Lorrinda's view about life
Ang buhay ay isang malaking kwento ng mga ayaw pero kailangan mong gawin. Life's funny that way. Nakakatawa na, nakakaiyak pa.
Show & Tell

tannertan36
No title available
occasionally subtle
No title available
I'd rather be in outer space 🛸
Peter Solarz

blake kathryn
Game of Thrones Daily
Not today Justin

Origami Around
TVSTRANGERTHINGS

Product Placement

pixel skylines
Three Goblin Art

#extradirty
Mike Driver
Claire Keane
One Nice Bug Per Day
ojovivo
seen from United States
seen from Brazil
seen from United States

seen from China
seen from United States
seen from United States

seen from T1
seen from United States

seen from Malaysia
seen from United Kingdom
seen from United States
seen from United Kingdom

seen from United States

seen from Malaysia

seen from United Kingdom
seen from United Kingdom

seen from United States

seen from United States

seen from Malaysia
seen from France
@redbeatterfly
Lorrinda's view about life
Ang buhay ay isang malaking kwento ng mga ayaw pero kailangan mong gawin. Life's funny that way. Nakakatawa na, nakakaiyak pa.
Ang Pag-Ibig
Ang pag-ibig ay parang jeepney. Sumakay ka na hangga't may espasyo ka pa sa kanya. Dahil kung wala na, hindi mo na maipipilit ang sarili mong pumasok sa buhay niya.
She's such a goddess! 😍😍😍
How i love this scene
Forgotten Promises by Galor_
Promises are meant to be broken nga ba?
Well, iyan ang paniniwala ni Maia.
Magbabago pa nga ba ang paniniwala niyang ito kapag nakilala niya si Eros?
(wattpad Galor_)
After a month, natapos ko rin. I can say na ito na ang best teleserye na napanuod ko. Lahat na nandito. Iba’t ibang anggulo ng buhay ang naipakita dito. Hanep talaga.
Hindi ko makakalimutan ang karakter nina Lorea at Lorrinda. Sa sobrang daming pagsubok ang hinarap nila, hindi pa rin sila nagpatinag. Iba talaga ang magkapatid kung magtulungan. Hahamakin ang lahat mailigtas lang ang isa.
Silang dalawa rin ay mabubuting magulang. Pareho silang ina na nagsakripisyo para maikagay sa maayos ang mga anak nila. Si Lorea, pinili niyang kamuhian siya ng anak niya kaysa naman na mamatay ang anak niya. Si Lorrinda, kahit siya ay masamang tao sa paningin ng iba, nagawa niyang mahalin ng higit pa sa buhay niya ang mga anak niya. Imbes na madamay ang mga anak niya, mas pinili niyang mamatay na lang kung ito ang ikatatahimik ng lahat. Sa huli, pareho lamang silang naging mabuting ina.
Hindi ako nagsisising napanuod ko ang palabas na ito. Uulit ulitin ko ito kapag gusto ko. Hindi ako magsasawa sa panonood dahil dito ko mas naintindihan na lahat hahamakin at titiisin ng isang ina ang lahat para sa ikabubuti ng kanyang anak.
Most Favored Loveteam in KTKH
😍
Kung pwede lang na mangyari to eh. Sana mangyari in the near future. ❤️
Sa buhay, bibihira lamang ang makatagpo ng isang taong mamahalin ka ng higit pa sa inaakala mo.
May mga taong hanggang salita lamang
May iba naman, hindi nagsasalita pero kitang kita na sa kilos niya
nagmahal ka,
Gagawin mo lahat para sa kanya,
Hindi mo alam, mahal ka na rin pala niya.
Pilit mong tinago ang nararamdaman mo dahil akala mo'y masisira ang lahat.
Magkakagulo.
Masisira
Pero sa kabila ng lahat ng iyon, nanatili ka at ang iyong mahal na manindigan sa kabila ng mga pasakit na tinamo niyo mula sa mga taong pumipigil sa pagmamahalan ninyo.
ginusto mong umalis siya dahil sa mga banta ng kamatayan pero di mo nagawa dahil ayaw mong mawalay sa kanya
at hindi mo makakayanang makuha siya ng iba ng hindi mo namamalayan
ngamahalan kayong dalawa
nagplano ng magandang buhay
marami kayong pinagdaanan
akala mo malalampasan niyo
pero hindi
isang minutong pagsabog
sa isang iglap…
ay nawala siya sayo
Tinanong mo ang Diyos, “bakit?”
“bakit kung kailan natagpuan mo na siya, ang taong mahal mo, saka siya kukunin at mawawala?”
Akala mo happy ending na
yun pala… hindi
Makalipas ang ilang taon
at para bang sinadya ng panahon
Muli kayong nagkita
Ngunit iba na ang anyo niya
maskara
Ipinantakip sa mukha niyang nasira dulot ng pagsabog
Ngunit hindi iyon naging hadlang para malaman mo siya nga iyon
Na siya nga ang taong minahal mo
Na siya nga ang taong kinuha sayo
Pero sa pagkakataong ito,
Mga kamay mo na ang nakagapos
May asawa at anak ka
Pinilit mo kalimutan siya pero hindi mo nagawa
Dahil siya lang ang sinisigaw ng puso mo
Dumating ang araw na ikinasal siyang muli sa iba
Matagal mong inasam na maikasal sa kanya
Kinasal na siya ng dalawang beses ngunit bakit sayo'y hindi siya maikasal?
Sinadya ba ng tadhana?
umaasa ka na sana balang araw makita mo siyang lumalakad sa gitna ng simbahan
nakasuot ng puti
unti unting lumalapit at para bang ibinibigay na niya ang lahat lahat sayo
at handang mangako ng panghabang-buhay na pagmamahal sayo
pero…
pero hindi…
wag ka nang umasa pa
Hindi mangyayari iyon;
Hindi na maaaring mangyari ang lahat ng iyon;
Dahil nasa puder na siya ng iba
iniisip mo na
“Ako dapat ang nandoon”
“Ako dapat ang nakangiting naghihintay sayo”
“Ako dapat iyong kasama mong sumambit ng mga pangako natin sa isa’t isa”
“Ako dapat iyong sumagot ng ‘oo’”
“Ako dapat iyong nagsuot ng singsing sayo sa seremonyang iyon”
“Ako dapat… ako dapat ang dumampi ng halik sa iyong labi.”
“Ako dapat, …”
“pero hindi.”
Nagpapakatanga ka, oo.
Ang tanga mo dahil pinigilan mo ang pagmamahal na sana'y matagal ng nabuo.
Ano pa nga bang magagawa mo?
Tanggapin mo na lamang ang katotohanang kailanman hindi siya magiging iyo.
Mahal mo siya, mahal ka niya
At hanggang doon na lang.
I do edited instagram posts para kiligin ako. Mwahahaha. Ang now, I'm sharing it to all of you! Haha. 😍❤️😘 (yung isang in-edit ko, di ko makita. Sayang. ☹ Si Ms. LT naman ang nag-post. Haha. 😂)
Isa sa mga pinagkakaabalahan ko ngayon ay ang pagsusulat sa wattpad. Kapag nagsusulat kasi ako, feeling ko nae-express ko yung sarili ko. Kahit puro kalokohan lang ang sinusulat ko. Haha.
A Deal Of Love is our first story. Matagal na namin pinlano ni Ate Sasa (my co-writer) na gumawa ng fan fiction sa wattpad na dedicated sa pinakamamahal namin na love team, which is GaLor.
Yung time kasi na ‘yon, sobrang nangungulila kami sa kanila. 2009 pa noong huli silang nagkasama kaya uhaw na uhaw na ang aming fan girl spirits. Lol. Hahaha.
So iyon nga, ang A Deal Of Love ay tungkol sa dalawang tao na nagmamahalan ngunit nasira dahil sa kasinungalingan. Vicky (portryed by Lorna Tolentino) was left broken by Gabriel (Gabby Concepcion). Kaya si ate girl, nagplanong maghiganti sa lalaking nanakit sa kanya. Pero bandang huli, it seems like, she fell on her own trap. Siya ang nahulog muli sa taong minsan siyang sinaktan. Sa buhay pala natin, pwede tayong mahulog nang dalawang beses sa parehong tao nang hindi natin inaasahan. We are now working on the 74th chapter. Team ToRiel nga ba hanggang sa huli? Let’s see.. Malapit na namin matapos 'to and sobrang happy kami. Hihihi. Hanggang Chapter 75 lang siya, then Epilogue. Tapos, finish na! Yehey! Mamimiss ko ang kasungitan ni Vicky at ang kayabangan ni Gabriel. Huhuhu. Sa mga di pa nakakabasa ng A Deal Of Love, basahin niyo na please? 😂
Ang GaLor Anthology naman, compilation ito ng mga short stories, AU, at kung anu-ano pang kabaliwan na naiisip ko para sa GaLor. Mayroon ditong AU ng A Deal Of Love. Short stories na bunga ng malupit kong imagination. What if sa love life ng GaLor. Ganoin! Haha. Maloloka kayo sa mga sinusulat ko dito dahil puro kalokohan.
Minsan, nagsulat ako ng short story about sa dalawang bata na nagkakilala sa tabing ilog. As in, opposite sides sila ng ilog. Napagkwentuhan kasi namin once ni Ate Sasa na kung what if nasa magkabilang ilog lang kami at doon kami nag-uusap. And boom! Sa Kabilang Ilog’s idea popped up on my head. Hahahaha. 😂😂😂
Sa mga readers namin, salamat sa pagsuporta sa kalokohan namin! Mahal namin kayo guys! Happy 41K reads for ToRiel! And Happy 1K reads for GaLor Anthology! Sana di kayo magsawa sa pagsuporta sa amin.
Gusto niyo ba ng another story? Soon! 😆
Siguro kilala niyo na ang babaeng nasa larawan.
Kung hindi, hayaan niyo akong ipakilala siya sa inyo. Siya si Victoria Lorna Aluquin Fernandez o mas kilala sa pangalang Lorna Tolentino. Kilala siya sa pagiging magaling na aktres mapa-pelikula man o teleserye.
Hindi ko siya masyadong kilala noon. Ni hindi ko nga matandaan ang pangalan niya. Nakakalimutan ko rin ang mukha niya at naipapalit ang pangalan sa ibang artista.
Ngunit sa isang di inaaasahang pangyayari, bigla ko siyang napansin. Parang na-in love ba ganun? If that’s the right word. (Fan girls out there? Ganoon rin ba kayo? Haha. 😆) Noong napanood ko siya sa Pahiram Ng Sandali (2012), parang bigla ko na lang gusto siyang makilala. Gusto ko nang malaman lahat ng tungkol sa kanya, makita siya at kung anu-ano pang kabaliwan na di ko akalaing gagawin ko before.
Simula nang hangaan ko siya, I didn’t miss any episode of Pahiram Ng Sandali. Kahit anong mangyari, dapat mapanood ko iyon. Pinapanood ko pa sa youtube kapag may na-missed akong episode. Naaalala ko pa, last day na n'on ng Pahiram Ng Sandali and it’s our Graduation Day. Muntik na ako maiyak dahil pagdating namin sa bahay, tapos na at di napanood! Salamat an lang kay Ate Lea na naga-upload ng episodes ng Pahiram Ng Sandali everyday.
Nagkaroon an rin ako ng interes sa mga lumang pelikula na hindi ko binibigyang pansin before. Nakilala ko pa ang mga artista na hindi ko alam ang pangalan. Na-realized ko na mas maganda pala talaga ang mga pelikula noon kaysa ngayon dahil mas may aral dati.
Natuto rin ako mag-twitter dahil kay Ms. LT. Lagi kasi may pa-LT Quiz tuwing birthday niya. At dahil epal ako, sinasalihan ko iyon kahit wala pa akong masyadong alam tungkol sa kanya. Pero dahil sa LT Quiz na iyon, mas lalo ko siyang nakilala.
At ito pa! Sa instagram naman, kada like niya ng picture na pino-post ko, kulang na lang ma-ihi ako sa sobrang kilig. Mas kilig siyempre kapag nag-comment siya sa picture ko or nag-reply siya sa comment ko. Pero ang pinakanakakakilig? Iyong pag-follow back niya. Jusko, natatandaan ko pa no'n, May 2013 yo'n at sobrang saya ko.
Nakita ko rin kung paano niya mahalin ang mga fans niya na patuloy sa pagsuporta sa kanya. Nag-dm nga ako sa kanya before sa instagram. I just tried. Epal nga kasi ako di ba? Hindi ko naman akalain na magrereply siya. Kahit simpleng “Happy Valentines too! Love you! Take care!” lang y'on! Kumpletong kumpleto na ang Valentines ko. Sabi nga ng ibang lornatics, “Wala mang BF, mayroon naman tayong VF (Victoria Fernandez), na love na love tayo!” One time naman, nag-dm ako ng picture ng drawing ko sa kanya (I drew her, yes. Don’t judge me! Hahaha.), nagreply siya at ni-like niya pa. Ang sabi niya, “Thank you @beyayaya_ thank you for taking time for this drawing, your love and support. Take care too! God bless. Love and kisses.” Edi siyempre, ang epal na si ako, nagwala na naman sa kilig!
Isa pa sa mga dahilan kung bakit ako tumagal sa fandom na ito, ay dahil nagkaroon ako ng maraming kaibigan. Yung kahit di pa kami nagkikita kita, parang kilala na namin ang isa’t isa. Yung napupuyat kami sa walang katapusang kwentuhan tungkol kay Ms. LT. Kahit paulit-ulit na lang ang pinag-uusapan namin, di kami nagsasawa. Siguro kapag nagkita kita kami, sobrang matutuwa ako dahil alam mo yung feeling na totoong tao pala talaga sila. Hahaha.
And that was my fan girl story. Marami pa akong gustong sabihin pero next blog na lang. Haha! Thank you for reading! 😆😝😘
(Photo from ChuchiDVampire ’s twitter)