if i did not leave, would you have stayed?
kung hindi ako umalis, iba kaya ang naging katapusan? o hindi na talaga kayang hindi matuldukan? kung hindi ako umalis, nanatili kaya na ako lang? o hindi na kayang pigilan na maramdaman mong may kulang? masakit na kinailangan mong manimbang dahil akala ko parating ako ang magiging matimbang. at ilan ding 'dahil' ang binawi mo sa akin, kasabay ng pagiwan ng maraming 'bakit'. at bakit ba may mga bakit na akala ko ay nasagot mo na, upang iwan lang din na parang patlang— espasyong hindi kayang saraduhan. kung hindi ikaw ang sagot sa lahat ng mga tanong, ayoko na ring ikaw ang maging sanhi— ng hapdi, ng mga hibing pinipilit itanggi. ang gusto ko lamang maalala ay ang masaya. noong ako pa ang nag-iisa at noong 'tayo' lang ang mahalaga. kung paanong tayo noon ay parang iisa. kahit lahat nga ay nauwi na lang ngayon sa sana. kung hindi ako umalis. @cobwebsandcaffeine











