I'd rather be in outer space 🛸
Sweet Seals For You, Always
dirt enthusiast
Stranger Things
Not today Justin

Discoholic 🪩

JVL
almost home
noise dept.
KIROKAZE
we're not kids anymore.

Andulka
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open

Product Placement
Xuebing Du
Lint Roller? I Barely Know Her

⁂
Today's Document
Game of Thrones Daily
Peter Solarz

seen from T1
seen from United States
seen from United States

seen from Türkiye
seen from New Zealand
seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from Malaysia
seen from Germany

seen from Malaysia
seen from New Zealand
seen from New Zealand

seen from United States
seen from Türkiye
seen from Philippines

seen from Japan

seen from United Kingdom

seen from Australia

seen from United States
@cobwebsandcaffeine
kaya mo bang dayain?
Hey loves, please visit my page to see my other works. Thank you! @cobwebsandcaffeine
if i did not leave, would you have stayed?
kung hindi ako umalis, iba kaya ang naging katapusan? o hindi na talaga kayang hindi matuldukan? kung hindi ako umalis, nanatili kaya na ako lang? o hindi na kayang pigilan na maramdaman mong may kulang? masakit na kinailangan mong manimbang dahil akala ko parating ako ang magiging matimbang. at ilan ding 'dahil' ang binawi mo sa akin, kasabay ng pagiwan ng maraming 'bakit'. at bakit ba may mga bakit na akala ko ay nasagot mo na, upang iwan lang din na parang patlang— espasyong hindi kayang saraduhan. kung hindi ikaw ang sagot sa lahat ng mga tanong, ayoko na ring ikaw ang maging sanhi— ng hapdi, ng mga hibing pinipilit itanggi. ang gusto ko lamang maalala ay ang masaya. noong ako pa ang nag-iisa at noong 'tayo' lang ang mahalaga. kung paanong tayo noon ay parang iisa. kahit lahat nga ay nauwi na lang ngayon sa sana. kung hindi ako umalis. @cobwebsandcaffeine
araw araw akong binibisita ng pangungulila. para bang nagpapaalala, "hindi ka pa malaya".
@cobwebsandcaffeine
a year ago
It is that day again. The pinpricks to my heart are back from the holidays. Do you know how terrified I am? @cobwebsandcaffeine
i am the sun burning out into a black hole, out of all my darkness i will give you all the brightest corners of me. and it doesn’t matter if you only want the moon, because i will give you the sun
i'll give you the sun
@cobwebsandcaffeine
no, the darkness is not only looming. it's coming for me.
magmamahal akong muli at iaalay ko ang aking puso sa kanyang dibdib ipuputong na parang mga rosas sa ibabaw ng kahoy na ataul at ipapaalala niya sa akin na nananalig pa din ang daigdig sa mga pangalawang pagkakakataon kahit na sa mga pumanaw sa mga nilisan at sana hindi ko na muling maranasan ang dampi ng pagpapaalam ng isang huling halik, wag na muling mangamba sa tunog ng huling pag-uusap, wag nang manabik; “paalam, hanggang sa muli” kahit wala nang muli dahil ang pag-ibig na tinalikuran ay parang paru-parong namamatay, na sa huling pagkakataon ay kikislot sa gitna ng iyong kalamnan. ako na nilisan ako na pumanaw nananalig pa din sa pangalawang pagkakataon magmamahal akong muli
resurrection
@cobwebsandcaffeine
@cobwebsandcaffeine
wala talagang pinipiling panahon ang pangugulila.
may mga araw na mas masakit kaysa sa iba.
@cobwebsandcaffeine
Hello, dear! Maraming salamat! Ang saya nagsusulat ka rin sa Filipino! <3
yes! may ibang dalang bigat at lalim pag Filipino ang gamit, di ba?
i can feel something inside of me shifting, the part in my chest you used to call home expanding from too much emptiness; cannot quite adjust to the stillness of the spaces you once filled.
ako ay parating magliliyab asul at naglalagablab para sa'yo at ikaw, mananatiling parang sandata, matulis na patalim ang mga labi mo
We live in a society wherein judging one another has become a norm and then we wonder why so many of us end up killing ourselves. WE LEAVE EACH OTHER NO CHOICE. We give so much of our energy spewing hate, so how about we radiate even a little hope, a little compassion? The world is already cruel enough, let us not make it more easier for one another to give in. There are battles we don't know of that people are fighting and losing against everyday. Can we not add to their struggle anymore? Be a reason for someone to keep fighting. Be a reason for someone to think twice. Be someone's reason. Suicide is horrible and we are ashamed to talk about it but its stigma doesn't and will never make it any less real. LET US MAKE IT HARDER FOR ONE ANOTHER TO LEAVE. — semicolon
Maraming itinuturo sa akin ang gabi, Kagaya ng kagabi. Nung subukan kong pigilan ang muli mong paglisan Nung pilitin kong ibahin ang pang-ilan na nga bang wakas? Hindi ko namalayan, tumakbo pala ako nang naka-paa Malamig ang mga sahig ngunit mas maginaw sa pakiramdam ang nagbabadyang katapusan. Masikip sa loob ng sasakyan pero doon sa iyong tabi, ako ay malaya. Baka iyon na ang wakas, pero baka kaya pang madaya. Pero ikaw talaga ang madaya. Madaya ka. Madaya din ang traydor na damdamin, pinagtulungan nila ako kasama ng gabing malupit sa mga kagaya kong umuutang sa tadhana. Itataya ko lahat para sa pagbagal ng segundo, minuto, ng oras. Hindi pa sapat na muli kang nasilayan ng aking mga mata, at kailan nga ba ako magsasawang pagmasdan ka? Manatili ka. Kahit ngayon lang. Dahil baka ito na ang wakas. Kahit na alam ko na ang mga yakap mo ay hudyat ng pagbitaw. Hinigpitan ko pa ang pagkapit, nagbabakasakaling sa ating pagkakalapit ay maalala pa ng puso mo ang mga nakalimutang dati ay para sakin. Bumulahaw ang mga salitang napinid sa aking lalamunan. Lahat sila ay nagpatianod sa aking mga luha. Sa pag-luha tayo nangusap. Ayokong sa ganito magwakas. Ayokong magwakas. Kahit alam kong hindi ibibigay sa akin ng gabi ang bukas. Naririnig ko na ang pagtatapos ng sandali. Sandali na lang. Hindi ko alam kung paano kumalas. Sandali lang. Maraming itinuro sakin ang kagabi. Ang 'Nangungulila ako sa'yo' ay hindi katumbas ng 'Mahal kita'. Ang 'Mahal din kita' ay hindi nangangahulugan na 'Mahal kita'. At kahit lumipas na ang matagal na panahon, hindi ko pa rin pala kayang sabihin ang 'Paalam'. Maraming itinuro sakin ang gabi. Pero hindi ang kung paano talikuran ang wakas. Hindi kung paano magpaalam at kung paano bumitaw. Hindi kung paanong wag ka nang mahalin. Natapos na ang gabi. Iyon na ba ang wakas? Baka pwede pang madaya. Madaya ka. Hindi ko alam kung paanong hindi mahalin ka.