untitled1
wag kang matakot umibig,
sa king balikat humilig
wag kang matakot humimig
nakakabingi pag tahimik
wala ka dapat, ipangamba
pag ako ang iyong kasama
sa kanila wag kang magtiwala
alam nilang lahat ngunit ang tama
ngunit ang tama,
makikita sa mukha
pilit ang tawa
makikita sa mukha
hawakan ang aking kamay
sayo ako ang bahala
sa malayo tayo'y maglalakbay
ipikit ang yong mata at
ako ay hayaang
sa iyong isip ay gumapang
sa ulap, lumutang
pag ikot ng mundo'y kalimutan
kalimutan
pag ikot ng mundo'y kalimutan
kalimutan















