AGNES
Nagsasayawang mga ilaw, Patuloy na matatanaw. Maliit na entablado, Silid ay nakakandado. Nakatanaw ang mga tao, Nilalang nasa sentro. Lahat ay pumapalakpak, Nilalang ay nakaapak. Bawat galaw may katumbas, Ngunit dignidad ay bawas. Hindi man nya kagustuhan, Ngunit ipinaglalaban.
Pagsapit ng dapit hapon, Kasama sa pagtitipon. Bawat isa ay may kwento, Rason at hindi imbento. Humaharap sa salamin, Kinukubli ang damdamin. Nagkikintabang mga damit, Ay sinusuot ng pilit. Nag-iisip ng diskarte, Itinatapon ang arte. Pagtungtong nya sa may sentro, Huwad na at di totoo.
Maraming bulungbulungan, Wala siyang pakialam. Wala syang inaapakan, Di palamon ng lipunan. Hindi sya dapat husgahan, Bagkos siya ay hangaan. Pagkat hindi nakikita, Lungkot sa kanyang mga mata. Ang maskara niyang suot, Sa likod puno ng takot. Takot pagdating ng bukas, O nalalapit nyang wakas.
“AGNES”
-ruben-
01/08/18









