Bula
Minsan darating ka sa point ng buhay mo na. “Tangina bakit hindi ko ginawa yon?” na magigising ka na lang isang araw at bigla na lang tutulo yung luha mo kasi nagsisisi ka sa mga nakalimutan mong gawin at nanghihinayang sa mga pagkakataon na bigla nal ang lumipas na hindi mo man lang napansin. Na ang puwede mo na lang gawin ay manghinayang, Ang nakakainis na part di mo na pUwedeng ulitin at balikan kasi nga nakalipas na. Yan kasi yung mahirap sa ibang tao eh nakikita lang nila yung kahalagahan ng isang bagay kapag nawala na, pero nung nasa kanila pa hindi nila magawang pansinin kasi nakatuon ang isip nila sa mga bagay na sa katunayan naman ay walang mabubuting maidudulot sa kanila. Mas nagfofocus ka kasi sa isang bagay na sa tingin mo ay tama pero yun pala ay mali. Kaya pag narealize mo yung halaga nito bigla ka nalang maghihinyang o malulungkot kasi hindi mo namamalayan bigla bigla nalang itong nawala ng parang isang bula.
Sa panahon ngayon dapat lahat ng oras sinusulit natin, na dapat lahat ng mabuting puwede nating gawin ay gawin na natin kasi hindi mo masasabi ang panahon at oras. Meron nga di bang sinasabi ang tao na matatapos na ang mundo bago matapos ang taon. So paano nalang kung matapos na nga mapupunta ka nalang doon sa point na sobrang manghihinayang kasi hindi mo sila pinahalagahan at minahal noong panahong nandyan pa sila sa tabi at minamahal ka ng lubusan. Wala akong ibang tinutukoy kundi ang magulang mo, bago sila mawala sa buhay mo pakitaan mo naman sila ng pagmamahal na deserve nilang matangap galing sayo.
(source:(akosimell)













