Hiking Every Month This Year: January Edition (2nd Entry)
MASCAP TWIN HIKE TRAVERSE WAWA
So sumingit lang ako ng hike since holiday, walang pasok and wala na akong hike for the remaining ng January, naghanap ako ng sched for Jan 29. Found this sa group so tuesday morning habang nasa byahe ako for work binook ko na sya, tas kinagabihan need ko na lumuwas kasi hating gabi yung pick up sa manila. Ending 6 pm na di pa ko nagpapaalam sa magulang ko and idek how HAHAHAHA. Pero na no choice sila alis na ko before 9 para mahabol ko yung last trip to Cubao. Of course standing ovation tayo kasi last trip na. Got picked up ahead of time kasi maaga sa site yung mga driver and yung mga ppickupin sa first loc. Pagdating ng Brgy. Mascap natulog pa muna kami, then after half an hour siguro ginising na kami para magprep for the hike. Wala pading bukas na cr so tiis. Instead na dumiretso kami sa Espadang Bato, inuna namin yung Sipit Ulang para kami yung una sa pila since late na kami umalis, alam na namin na may pila na agad sa Espadang Bato pag dating namin don dahil sa mga nagtrilogy. Started around 4:15 am, by 5 am nasa Sipit na kami pero madilim pa so we had to wait an hour for the sunrise bago makapagpicture. Also had convos and got to know some of the joiners sa trail palang so may mga kavibes na ko, kaya paakyat sa Sipit nakakapagpapicture and biruan na kami HAHAHA. Dito din natrigger fear of heights ko since may nakita kaming spot na magandang tayuan, nagpicture kami, dahil ang kitid nung tutungtungan and sumasabit yung sapatos ko sa matutulis na bato ang hirap gumalaw, isang out of balance mo lang laglag ka talaga sa matatalim na bato. Kinakalma ko lang talaga sarili ko na ‘shet may around 50 years ka pa mabubuhay okay lang mabawasan kahit 3 years sa mga ginagawa ko sa buhay’ HAHAHAHA and it became a running joke sa buong hike kung ilan nalang buhay namin na natitira kada may ginagawa kaming something risky for pics. After Sipit Ulang, around 7:20 am, nagstart na kami mag hike papuntang Espadang Bato. And bruh DI SYA MADALI. Ihing ihi na ko kasi wala pang bukas na cr sa jump off so ilang oras na ko nagpipigil, since nasa unahan kami nakahiwalay na kami sa group, sabi nung guide namin may tindahan malapit sa espada and may cr so ayon naging motivation namin HAHAHA. At one point nag trail run pa kami ni JP kala mo mga hindi puyat lol. After sa store nauna na sya so ang kasabay ko na is si Bry and Edmund. Around 10 na kami nakarating sa Espadang Bato since puro ahon na siya and puro bato, yung shin splints ko and yung tuhod ko nagpaparamdam na hahaha. Pagdating namin sa taas ang haba na ng pila and si JP nagtitinda na ng ice candy na binebenta nung isang guide HAHAHA. Sa sobrang haba ng pila inabot na kami ng 2 pm para lang sa turn namin. Una sa batch namin is si Edmund, then ako, then si Nice. Grabe swerte kasi ang lakas manalangin ni Ed, sobrang lakas ng hangin kaya kinakabahan ako umakyat pero nung turn niya tumigil yung hangin HAHAHA. Good thing din na ako sumunod sa kanya at nasalo ko pa prayers niya😂. Althooo akala ko di ko kakayanin tumayo since super nangangatog talaga mga tuhod ko. Kinakalma ko lang sarili ko kasi iniisip ko pagsisisihan ko yon after pag di ko tnry. Naexperience ko yon nung nagcanyoneering sa Kawasan, dahil narealize ko na di ko gusto yung feeling na nalalaglag sa mga naunang part di ko na tnry yung 7m and 10m, paguwi pinagsisihan ko kasi alam ko na kaya ko kahit may takot but di ko na mababalik yung experience of accomplishing those. So this time, tumayo talaga ako sa top kahit anong nginig ng binti ko. After that sobrang satisfied ako kasi di ko kelangan mag revenge hike para lang sa standing pose HAHAHA. So back to being swerte, buti sumunod ako kay Ed kasi nung turn na ni Nice biglang ihip uli ng hangin kaya di na sya nag attempt tumayo. Palakasan nalang talaga ng loob mga sumunod samin kasi swertihan sa ihip ng hangin kung makakatayo ka or not. After sa Espadang Bato rekta na kami sa Wawa Dam. At this point sobrang sakit na ng tuhod ko hahaahaha parang onting sagi mo lang mapapaluhod ako agad😂. Satisfied lang ako kahit sobrang pagod kasi natapos ko sya and was able to meet new people!











