Alam mo yung feeling na ang tagal mo nang nakapila para sa FX pero ang tagal dumating ng FX? Mas nakakainip kapag feeling mo ang lapit mo na sa pila, Yung feeling mo ikaw na ang susunod na sasakay pero wala pa ring FX. At ang nakakainis ay yung nde mo malaman kung aalis ka na ba sa pila o mag-aantay ka pa..
Kapag umalis ka, mag-aabang ka na naman ng bagong FX. “Chance passenger” ka na lang.. Gaano ba kalaki ang “chance” mo na makakasakay ka agad??
Kapag naman naghintay ka, baka ma-late ka na. Worth it pa kaya ang katagang “it’s better late than never”?? May darating pa kaya talagang FX para sayo?
Aalis ka ba o maghihintay?