Hindi ako isang halaman na ipangdi-display mo lang; na aayusin mo lang para mag mukhang maganda kapag kinuhaan mo na ng litrato. Hindi ako isang halaman na binili mo lang para makisabay sa uso; para gamitin at isingit ako sa mga larawan mo at maging bahagi ng Instgram feed mo. Hindi ko gustong maging halaman kung gagamitin mo lang ako. Hindi ko gugustuhing maging halaman kung aalagaan mo lang ako para lang hindi ka na bumili pa uli kung sakali mang malanta na ko. Hindi ko gustong maging halaman na dadaan-daan mo lang at saka mo lang papansinin kapag isasama mo na uli ako sa mga litrato mo.
Gusto kong alagaan mo ko sa dahilang gusto mo kong manatili sa’yo. Gusto kong gustuhin mong manatili ako sa’yo sa dahilang mahal mo ko. Gusto kong mahalin mo ko sa dahilang iyon talaga ang nararamdaman mo. Hindi dahil nakikisabay ka lang sa uso; hindi dahil gagawin mo lang akong display. Ayokong maging pampaganda lang ng image mo o ng Instagram feed mo. Gusto kong maging maganda resulta ng pagmamahal mo sakin. Yun lang wala nang iba.











