AMF 10th Year Anniversary 🎉
October 29, 2023 | Sunday
10th year anniversary of #AM_Fanatics na ginanap sa 'The Hook' Restaurant.
Napakabilis ng panahon. Pero isa sila sa naging dahilan para maging makulay ang buhay ko.
I love you!!!! 😘🤗💞
seen from Portugal
seen from United States
seen from China
seen from United States
seen from Canada
seen from New Zealand
seen from China

seen from Jordan
seen from Malaysia
seen from Netherlands
seen from Jordan

seen from Italy

seen from Malaysia

seen from Türkiye

seen from Morocco

seen from Greece
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from Togo
AMF 10th Year Anniversary 🎉
October 29, 2023 | Sunday
10th year anniversary of #AM_Fanatics na ginanap sa 'The Hook' Restaurant.
Napakabilis ng panahon. Pero isa sila sa naging dahilan para maging makulay ang buhay ko.
I love you!!!! 😘🤗💞
AM ❤️ 9.23.17 | BEST BIRTHDAY CELEBRATION
Hindi ako expected na magiging ganito kaganda at kasaya ang birthday ko. Heto ang bagay na nangyari sa tanang buhay ko na hinding-hindi ko makakalimutan na ginawa nila para sa akin. Magpahanggang ngayon nag uumapaw sa saya pa din ang aking puso everytime na nakikita at napapanood ko ang video na ito. Sobra-sobra niyo ako NAPASAYA nito.
Direk AM,
Salamat sa pagmamahal mo sa akin bilang iyong tagahanga man lang. Bawat sa amin sobra-sobra mo pong pinahahalagahan. Hindi po ako makapaniwala na mangyayari ito sa buhay ko at sa pinaka love at favorite ko pang actor. Direk, walang kayang ibigkas ang mga labi ko kung hindi "walang hanggang pasasalamat po sa pagbibigay ngiti po sa akin (sa amin). Alam ng Diyos kung gaano po ako nagpapasalamat sa Kanya dahil ibinigay ka Niya po sa akin. Grabe ka po magpahalaga ng tao.
Hangad ko at hindi ako mapapagod na magdasal sa Diyos na patuloy ka Niya pong bigyan ng magandang kalusugan, ilayo ka sa kapahamakan at manatili ka pong masaya kasama ng iyong buong pamilya. Thank you sooo sooo sooo much po Direk! Mahal na mahal na mahal na mahal po kita!
Lhen
_______
Sir Donboy,
Alam ko po hindi ito mabubuo kung hindi dahil sa tulong mo po. Alam ko po kung hindi po dahil sa iyo hindi namin makakasama si Direk AM. Ikaw ay naging bahagi ng kaligayahan ko nung araw na ito. Ikaw ang dahilan ng lahat para magkaroon ng kulay ang aking kaarawan. Sir Donboy, walang hanggang pasasalamat po sa iyong pagmamahal sa amin at sa buong AM_Fanatics.
Lagi ko pong sinasabi sa iyo na "tumba kami kapag wala ka". Please Sir Donboy, ingatan niyo po ang inyong kalusugan ha! Mag-aalala po kami ng husto kapag may nangyari sa iyo. At lagi mo pong tatandaan na mahal na mahal na mahal po kita (namin). Huwag ka pong mapapagod na mahalin din po kami ha! Kahit sa hanggang huli, manatili ka pong nakaalalay sa amin at uunawa sa aming kahinaan. Love you so much Sir D.
Lhen
_______
Power Team,
Binigyan niyo ng kulay ang buhay ko. Dumating kayo sa buhay na may malaking dahilan sa mas malalim na samahan. Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng mga kaibigan at kapatid na kagaya niyo. Na alam ko naman sa bawat isa sa atin may kanya-kanya tayong mga kalakasan at kahinaan. Pero nananatili tayong matatag at masaya kahit gaano kahirap ng ating mga samahan. Andiyan pa din ang bawat isa na nagmamahalan.
Power Team, sorry sa lahat-lahat na kasalanang nagawa ko. Sorry dahil minsan tayong hindi nagkakasundo at nagkakaunawaan. Sorry dahil imbis na unawain ko kayo, ako pa ang nanghina at lumayo sa inyo. Sorry sa mga bagay na aking nagagawang pagkukulang at pag intindi sa inyo. Sorry!
Ngayon, nauunawaan ko na ang lahat. Kapag tayo pala nasasaktan ay siya ang nagiging dahilan para maging isang matatag tayo bilang pamilya.
Isang pamilya na kayang unawain ang kakulangan ng bawat isa sa atin. Isang pamilya na kayang mahalin ang bawat kalakasan at kahinaan ng bawat isa sa atin. Isang pamilya na kahit gaanong kadaming problema ng bawat isa nanatili pa din ang isa't-isa para magdamayan at magmahalan. Binuo tayo na punong-puno na pagmamahalan, pang-unawa at pag intindi sa bawat isa. Heto tayo! At hindi ito matitibag ninoman.
Maliban sa aking pamilya, isa kayo sa ipinagpapasalamat ko sa Diyos. Na ibinigay Niya sa akin. Kung magkakaroon ako ulit ng panibagong buhay. Muli pipiliin ko kayo bilang aking kaibigan, kapatid at pamilya. Kasama sila Sir Donboy at Direk Albert Martinez.
Lagi niyo tatandaan ha! Na sobrang mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ko kayo Power Team!
Lhen
AM_Fanatics 6 year Anniversary | October 30, 2019
Mga ilang pictures mula sa pagce celebrate ng AM_Fanatics Family sa Treasure Mountain.
Bawat isa mahalaga dahil bahagi ka bilang pamilya... Heto ang #AM_Fanatics.
AM_Fanatics 6 year Anniversary | October 30, 2019
Nagkaroon ng pagkakataon na makabalik muli sa #TreasureMountain kasama ang aking #AM_Fanatics family. Ang pamilya na kung saan ang dahilan ay Mr. Albert Martinez para maging masaya at matatag.
Naging maganda din ang pagkakataong ito dahil nakapag relax ako at muli kong nakita ang ganda ng mundo na ibinigay ng Diyos.
The #PowerGirls of AM_Fanatics!
The #PowerTeam of #AM_Fanatics!