Ang Masayang Alaala Mo
Napakaikli ng buhay Di natin alam kung kailan ang hangganan Kaya habang nariyan pa matutong pahalagahan Ang mga tao na iyong pinaka iingatan Sabihin ang mga dapat sabihin Mga damdamin na kailangan aminin Dahil hindi sa lahat ng oras sila'y mananatili At hindi sa lahat ng oras ay mararamdaman ang mga kilig na kumikiliti Kung nakukulong ka sa isang bartolina Na kung saan dilim iyo'y nakikita Pakawalan mo na ang mga sakit na naghatid sa'yo sa sukdulan Wag na matakot at maging matapang at lumaban Kung bibilangin mo ang mga araw na pamamalagi Hindi mo magagawa dahil walang nakakaalam Kung nasanay ka sa mga sakit ng paalam Tumayo ka baka sakaling ang matagal mo ng tinatago ay siyang makaintindi Kung may mga nanatili pang mga luha ng kahapon Isabay mo na ito sa agos ng alon Dahil sa tuwing sasapit ang dapit hapon Tanging sasabihin mo na lamang mahal kita simula pa noon Wag mong hayaan na tangayin na lang ng panahon Ang pagmamahal na ayaw mong maitapon Sa ikli ng buhay iparamdam mo ang nais Dahil sa kanya buhay handang ibuwis Iilang araw na lang bibilangin Ika'y mawawala na sa aking tabi Baka makalimutan mo na ang pangalan ko Baka makalimutan mo na ang ipinaramdam ko Baka makalimutan mo na ako lang ang nagmahal sa'yo ng ganito Oo nga pala kaibigan lang ako.... Kaklase lang ako.. Ako lang ang nagbubulagbulagan Na sa bawat liriko na aking inaawit Sasabayan ang aking nararamdaman Kahit mauwi man sa pagkasawi Ang tanging hiling ko lang ay mapasaya ka sa huling pagkakataon Kaya ito'y aking paghahandaan Para sa paglipas ng panahon Ito'y iyong babaunin Mauwi man sa wala ang pinaghirapan Ang mahalaga'y walang pagsisihan Kung gagawin man ang lahat Dahil iyon ang nararapat Kung matapos ang pag ilaw ng mga kandila Ang pag andar ng palabas Kung iyon man ang magiging wakas Salamat at dumating ka Salamat at tinuruan mo ko Salamat at Mahal na mahal kita Ako nga pala, Ang magiging masayang ala ala mo










