Mga Anghel sa Dilim
Disclaimer: The views expressed in the essays appearing in this website are attributed only to the identified author/s, and do not represent the views of the entire group, the class, the course instructor, nor the university to which the student belongs.
-------------------------------------------------------------------------------
Sa maikling pelikulang, Sa Mga Kambas ng Lipunan na isinalaysay ni G. Joey Velasco na siya ring pintor ng kilalang Huling Hapunan kasama ng mga batang-kalye, ipinakita sa akin ang mga pagsisikap ng mga batang ito na maihaon ang sarili sa kahirapan. Naging instrumento ang Diyos at si G. Joey Velasco sa pagpukaw ng aking damdamin at pagbukas ng aking mga mata, isip at puso sa realidad ng buhay.
Ang mga maralita nating kababayan, tulad ng sabi ni G. Velasco ay isa lamang statistika at mga bilang na nagpapakita ng kahirapan. Ang mga batang naipinta ni G. Velasco, sa aking palagay ay kulang di lamang sa sustansya, atensyon at pangunahing pangangailangan ngunit sa karunungan. Ang kanilang kahirapan ay nagiging sanhi ng kakulangan ng mga batang ito sa sapat na edukasyon na kailangan nilang maitamasa.
Sa larawan sa ibaba maiisip kaya natin na sapat ang pangangailangang nakukuha?Nakakakain kaya sila 3 beses sa isang araw? Nakakapag-aral kaya sila?
Pangunahing edukasyon, ang isang isyu na nais kong pagtuunan ng pansin sa aking sanaysay. Ito ang isyung gumimbala sa aking isipan at nagmarka sa aking puso.
Ayon sa Education Watch Preliminary Report: Education Deprivation in the Philippines, kahirapan ang isa sa mga sanhi ng pangunahing edukasyon na kailangan ng mga bata dahil sa kawalan ng trabaho ng kanilang mga magulang, 30.5% sa mga mahihirap ang nagsabi nito. Pumangalawa naman sa bilang na 22% ang kawalan ng interes ng mga bata sa pag-aaral dahil sa layo ng paaralan sa kanilang tahanan, karamdaman at walang pambayad sa tuition.
Magiging interesado ang mga batang mag-aral kung maganda ang pasilidad ng paaralan, maayos ang turo ng kanilang mga guro, kumpleto ang libro nilang gagamitin at kumpletong school supplies. Idagdag pa riyan ang mababang sweldo ng mga guro sa pampublikong paaralan na siguradong makakaapekto sa bilang ng mga pampublikong guro sa bansa.
Ang magiging epekto ng kawalan ng pangunahing edukasyon sa mga mahihirap nating kababayan ay hindi lamang makaka-apekto sa ekonomikal na aspeto ng bansa ngunit maging sa moral, emosyonal, pisikal, pangkaisipan na aspeto ng pagiging isang indibidwal. Mahihirapan silang makakuha ng disenteng trabaho na mag-aangat sana sa kanilang antas sa buhay. Mahihirapan ding puksain ang mga batang gumagamit ng matatalim na bagay para makagawa ng krimen. Lalo ring mahihirapan ang mga mahihirap na umahon sa kahirapan. Sisisihin din ng mga mahihirap ang gobyerno dahil sa kawalan ng atensyon na kanilang binibigay sa kanila at dahil sila nga naman ay bilang lamang sa statistika. Napakaraming mas malalang problema ang magiging epekto ng isang isyu sa bansa ngayon.
Sa pagtatapos ng aking sanaysay, nais kong magbigay ng isang tula na pinamagatang, Education ni Norena M. Jones na magbubuod ng aking katayuan sa isyung kawalan ng pangunahing edukasyon ng mga maralitang bata.
Education by Norena M. Jones
You want to be in a gang
And shoot up everything with a bang
You say they'll have your back
But education is what you lack
Education is the key to life
And not getting stabbed with a knife
Education will lead you to great heights
And not to everyday fights
Education will help you excel
Not lead you to a county jail
You won't find yourself doing ten
In any county pen
Or being charged with first degree murder
In a court of order
And as your family wail
You're getting life without bail
Be in a gang and stay there for keeps
You'll find yourself underground six feet deep
So instead of being laid to rest
Get an education and be the best.
Isang kabalighuan kung iisipin ang tulang Education ni Norena M. Jones dahil makikita natin kung paano nakakaapekto ang salat na edukasyon sa pagkatao ng isang indibidwal na uhaw sa karunungan at tamang-asal o ugali.
Sa totoo lang, nasasalamin ko ang Pilipinas sa tula ni Jones.
Ang isyung ito ay nakakabahala at ang masakit dito ay ang pagsasawalang-bahala ng mga ordinaryong Pilipinong pumapasok sa mga establisimiyento upang magtrabaho, parang wala silang mga pakialam, parang hindi nila naiisip na nahihirapan ang mga anghel sa dilim.
Ang sakit sa matang tingnan ang mga maaamong mukha ng mga anghel na humahawak ng patalim para lamang mabuhay, para lamang may makain ang kanilang pamilya.
---------------------------------------------------------------------------------
Mga Sanggunian:
Translate.google.com
http://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2528798/
http://www.educationvoterspa.org/index.php/site/issues/education-and-the-economy/
http://www.gmanetwork.com/news/story/111257/news/specialreports/poverty-hunger-prevent-filipino-kids-from-getting-basic-education
google.com para sa mga larawan








