Tips sa paghahanap ng trabahong pang NURSE sa Pinas
1. Gumising ka sa katotohanang hindi lang ikaw ang nurse sa Pilipinas na walang trabaho. Marami tayo.
2. Gumawa ng plano kung pano magkakatrabaho. Ang pagsabing magaapply ako bukas ay hindi absolute. Gumawa ng career plan, refine, and research.
3. Wag maging choosy,pero wag maging biktima. Ang pagtatrabaho ng walang sahod ay katangahan. Pero kung anak mayaman, at kayang sikmurahin ang kalokohan ng sistema ng pagpapasahod sa nurse, aba e suportahan mo ang ANG NARS.
4. Don’t undervalue yourself. Wag ring mayabang.
5. Gumawa ng EPIC na resume. Hindi ka magaapply bilang tindero ng balut. Nurse ka. Gawin mong matino, malinis, maganda, at honest.
6. Know the competition. Marami kayong walang trabaho simula ng nauso ang nursing.
7. Invest in yourself. Be competitive. Isipin mo ang mga badge ni Russell sa pelikulang UP at ihalintulad ito sa credentials ng iba pang naghahanap ng trabaho. Kumpara mo ngayon sa sarili mo. Anong sey ng Elli badge mo sa badges ni taba?
8. Magbaon ng Confidence sa tunay na buhay. Walang mapapala ang pagdadrama mo sa facebook.
9. Walang mapapala ang pagdadrama mo sa facebook. Inulit ko para maalala mo na ang facebook ay counterproductive.
10. Gamitin ang facebook sa pag build ng connections. Sumali sa iba’t ibang nurse groups. Dito ka makakapick up ng tips, insights, at kadramahan ng kapwa mo nurse.
11. Do your research. Mula Presidente hanggang sa low level manager ng institution kelangan kilala mo by face and by name. Pati pangalan ng anak, alumni, mainam na alam mo. Para pag may chance encounter ka sa isang Chief Nurse na naka sando shorts habang bumibili ng kape sa Puregold, pwede mong I chat up.
12. Magbaon ng resume. You’ll never know. Kung dumating ang pagkakataon na mabangga ka ng kotse Presidente ng ospital mag inarte ng kaunti at sabihing nais mong maging nurse. Pano mo gagawin yun kung wala kang resume?
13. Broaden your horizon. Lingid sa iyong kaalaman, hindi lang Maynila ang may ospital. At lingid din sa iyong kaalaman, ang maynila at mga karatig lungsod ay ang may pinakamaraming opisina ng call center.
I consider ang ibang propesyon bilang last resort. Kung ang first option mo e pagiging nurse at ang second option ay pagiging call center agent, wrong mistake na kagad yan. May school nurse, private duty nurse, nurse midwife, nurse assistant, entreprenurse, at kung ano ano pa. kung pagiging underemployed, high paying, stable job ang kelangan mo, then go for other careers.
14. Huwag umiyak kung walang baker. Marami ring wala. Hindi solusyon ang pagkainis sa mga taong pinanganak na may mga koneksyon. Obligasyon mo sa karera mo ang gumawa ng sarili mong mga koneksyon at gamitin to.
In the end, it all depends on how bad you want it. You must want it so bad. Like if someone tells you to raze a village you don’t say why, you say how high. THAT is how I got my job, and THAT is how you can too.