Hell Yeah.
Bakit ba nasa huli ang pagsisi. Urgh ! Napipikon na ako sa mga desisyon na ginagawa ko. Alam ko na sa una pa lang ee. Na mahihirapan ako dito.
Simula 1st year up to 4th year, gustong gusto ko kuhain ang kursong MASS COM. Pero nung mga nakaraang buwan, ewan ko at ano ang nakain ko para piliin ang pagiging INHENYERO.
Unang pasukan. Okay ang lahat hanggang dumating ang huling subject kapag Tuesday. Ang umaapoy na TRIGONOMETRY. Shet talaga ee. Bakit ba wala akong maalala sa mga ni lesson nung ako ay highschool pa lang. Or masyado na akong nagpabaya nun kaya kahit makinig sa teacher, hindi na pumapasok sa utak ko? Srsly. Hirap na hirap na ako sa Subject na ito kahit dalawang beses pa lang kami nagkikita. Alam ko naman sa sarili ko na mapapasa ko ito, pero sure din akong mahihirapan at kulang na lang pigain ko yung utak ko maisiksik lang lahat ng sinasabe ni Mam Canete. WTF.. Ano na lang kaya ang lesson Next meeting. Sana yung Math namin ay puro basic lang. Yung tipong Add, Minus, Multiply at divide lang. Hindi katulad sa henerasyon ngayon, hinalo na ang mga alpabeto sa numero. At sino ba itong X na hinding hindi pa nakikita. Ika nga nila, lahat ng mga X dapat kalimutan. Mamuhay nga raw tayo sa kasalukuyan.Maraming emosyon ang nararamdaman ko sa tuwing nagtuturo ang Guro. Tumawa, Nakinig, Nagisip, Nagsolve, Sumimangot, Nalungkot at Umiyak. Yan lang. dyan lang umiikot ang emosyon ko sa subject na to. Pero sana laging happy ako kahit puro bagsak na.
Kung maibabalik ko lang sana. Mas pipiliin ko na lang ang magsulat. Yung magreport sa TV. Gumawa ng mga Scripts. at mag-publish ng sarili kong libro. Pero ito na ee, pinasok ko na ang mundo ng CEAT. Pumasok ako sa isang Impyerno na punong puno ng mga demonyong subjects. Ni lumunok ng laway hindi ko na magawa pati paginom ng tubig. Kahit pagkurap saglit ng aking mata. Totoo na siguro na pag tumulog ka pa dito sa subject na ito, tiyak buong buhay mo ang mawawala.
Well. Good luck na lang sa ating mga nahihirapan. Mapalad ang mas nakakaalam. Babye.











