Bukas na yung Homecoming pero ako pa lang ang aattend sa batch namin. Hayyy. Napaka epic ko talaga sa pag oorganize ng mga events. Buti na lang di ako nag events coordinator.
Di pa rin ako tapos i-edit ang mga invitation at program para sa isang event sa school. Maygad, double strike na when it comes to events.
May katabi akong bote ng soju. Eto pa yung nakaraan. Hindi ko maubos. Di ko alam kung iinumin ko ba or ipupukpok ko na lang sa ulo ko yung bote. Either way eh masakit para sa akin.
Kelan ba magiging normal buhay ko?










