Richard Guttierez as Ibarra/Simoun
Dahil natuwa kayo sa Richard Guttierez as Crisostomo Ibarra na post ko, let's try to see if bagay ba.
Noli Me Tangere Chapter 3: ANG HAPUNAN
"Ang katotohanan, bágay na ipangguilalás sa mg̃a báyang iyan, kung ibubukod ang sariling pagmamalakí ng̃ bawa't isá sa kanyáng nación…. Bago ko paroonan ang isáng lupain, pinagsisikapan kong matalós ang kanyáng historia, ang kanyáng Exodo[98] kung mangyayaring masabi ko itó, at pagkatapos ang nasusunduan ko'y ang dapat mangyari: nakikita kong ang iguiniguinhawa ó ipinaghihirap ng̃ isáng baya'y nagmúmulâ sa kanyáng mg̃a kalayâan ó mg̃a kadilimán ng̃ isip, at yamang gayó'y nanggagaling sa mg̃a pagpapakahirap ng̃ mg̃a namamayan sa ikágagalíng ng̃ kalahatán, ó ang sa kanilang mg̃a magugulang na pagka walang ibáng iniibig at pinagsusumakitan kung dî ang sariling kaguinhawahan."
"At ¿walâ ka na bagáng nakita kung dî iyán lámang" ang itinanóng na nagtátawa ng̃ palibák ng̃ franciscano, na mulâ ng̃ pasimulàan ang paghapon ay hindî nagsásalita ng̃ anó man, marahil sa pagká't siya'y nalilibang sa pagkain; "hindî karapatdapat na iwaldás mo ang iyong kayamanan upang walâ kang maalaman kung dî ang bábahagyang bagay na iyán! ¡Sino mang musmós sa escuelaha'y nalalaman iyán"
"Kagalang̃án pô ninyo'y busóg na. Mg̃a guinoo; huwág kayóng magtátaka ng̃ pagsasalitang kasambaháy sa akin ng̃ aming dating cura; ganyán ang pagpapalagáy niyá sa akin ng̃ akó'y musmós pa, sa pagká't sa kanyá'y para ring hindî nagdaraan ang mg̃a taón; datapowa't kinikilala kong utang na loob, sa pagká't nagpapaalaala sa aking lubós niyóng mg̃a áraw na madalás pumaparoon sa aming báhay ang "kanyáng kagalang̃án
how about Richard Guttierez as... Simoun :D
El Filibusterismo Chapter 7 SI SIMOUN
"Basilio, nakababatíd kayó ng̃ isáng lihim na mangyayaring ikasawî ko at ng̃ayó’y nakátuklás ng̃ isá pá, na kung mábanság ay makasisirà sa aking layon, kayâ’t ang boô kong buhay ay nasa kamáy ninyó. Upang akó’y tumiwasáy at alangalang sa ikaaayos ng̃ inaakalà kong gawín ay dapat kong sagkâán ang iyóng mg̃a labì, sapagkâ’t ¿anó ang kabuluhán ng̃ buhay ng̃ isáng tao sa kalakhán ng̃ bagay na aking tinutung̃o?"
"Mainam ang pagkakátaón, walâng nakababatíd ng̃ aking pagparito, akó’y may sandata, kayó’y walâ; sa mg̃a tulisán ibibintáng ang kamatayan ninyó kun dî man sa isáng bagay ng̃ kabiláng mundó…. ng̃unì’t, gayón man ay babayàan kong kayó’y mabuhay at inaakalà kong hindî ko ipagdaramdam sa hulí ang gayón. Kayó’y nagsumakit, nakipagtunggalî ng̃ lubhâng tiyagâ…. at gaya ko rin kayóng may kailang̃ang makipagtuús sa sosyedad; ang kapatíd ninyóng muntî ay pinatáy, ang inyóng iná’y naulól, at hindî pinag-usig ng̃ sosyedad ni ang nakamatáy ni ang nagpahirap. Tayong dalawá’y nábibilang sa mg̃a uháw sa katwiran, at hindî dapat tayong magtunggalî kun di magtulung̃án."















