Dahil ang bilis ng panahon...
Kung magmamahal man ako ..
Gusto ko siya na. Yung tipong kami na habang buhay (yerrn), yung wala nang hiwalayan (kakapagod na kasing maiwan, nakakasawa na, kakapagod nang maghanap o maghintay kung may dadating ba) magkasama sa pag tanda, magkasama sa lahat. Yung tipong kahit malayo kami sa isa’t isa, kahit madaming babaeng nakapaligid sakanya, ako padin yung nasa isip at puso niya. Yung lalakeng kayang patunayan sayo na hindi lahat ng lalake ay pare pareho. Yung lalakeng hindi lang puro salita, sinasamahan ng gawa. Pinapakita sayo kung gano ka kaimportante sakanya. Yung lalakeng may respeto sayo at kaya kang ipaglaban at ipagtanggol, yung kaya kang ipagmalaki sa iba. Yung lalakeng hindi ipaparamdam sayo na may kakompetensya ka sakanya. Yung lalakeng kahit anong mangyare ay nandyan parin para sayo.
Kung mamahalin mo ako ...
Sana mahal mo ako dahil mahal mo kung ano yung mismong ako, tanggap mo kung ano o kung sino ako. Tanggap mo yung ugali ko, mapa good o bad man yan. Sana mahal mo ako hindi dahil sa maganda, cute (chaarr lang to) o kung ano mang meron sa panlabas kong anyo. Sana mahal mo ako bilang “ako” Sana mahal mo ako di dahil sa may naaalala ka sakin na ibang tao o kaya naman gagamitin mo lang ako para makamove on sa masaklap na karanasan mo sa pagibig. Sana mahal mo ako di dahil para lang masabing may lovelife ka o kung ano man.
Minsan may mga bagay na kailangan mong pag isipang mabuti bago ka magdesisyon, hindi dapat padalos dalos lalo na sa pagmamahal. HAHAHAHA. Yan yung isa sa mga natutunan ko at napagtanto kasi hindi isang biro ang pagpasok sa isang relasyon. Ayoko munang mag isip ng mga ganyang bagay kasi gusto ko munang makapagtapos ng pag aaral kasi madali na naman daw yan pag nakapagtapos ka na, kung may dadating man edi meron. Kung wala edi wala kasi makakapag intay naman yan. Oo, nakakainggit pag nakakita ng mga couple dyan sa tabi tabi pero isipin mo nalang dadating din yung para sayo, natraffic lang :)
(Nang dahil sa pagsshare ng nanay ko pagdating sa pag aasawa kaya natype ko to. HAHAHAH. Alam ko hindi pa dapat ako mag isip ng mga ganyang bagay kaso ang bilis ng panahon, hindi ko namamalayang tumatanda na pala ako)