It's been a while, pero hindi parin ako nagkakaroon ng deep commitment sa isang tao. Alam mo yung commitment na mahal niyo yung isa't-isa, kinikilala niyo yung isa't isa, tapos nasasabi mo yung mga sikreto na sakanya mo lang kayang sabihin, tapos komportable kang magshare ng problema sakanya, tapos yung taong sobrang mag-alala at parating may pakielam sayo, yung taong dinadamayan mo sa tuwing siya yung may problema, tapos yung taong nilu-look forward mo palagi na makasama, yung parati kayong nag-aaway pero hindi kayo nagsasawa dun, yung magbebreak kayo pero magkakabalikan din kayo, yung iiyakan mo, at kaya mong ipakita na iniiyakan mo siya, yung iniiyakan ka at di siya nahihiyang umiyak sa harap mo, yung taong isang yakap niya lang nawawala pagod problema at worries mo, yung isang ngiti niya lang nawawala na galit mo, isang simpleng bagay lang na nagawa niya, sobrang napapasaya ka na. Yung taong okay lang magpakatanga ka basta ipaglalaban mo siya at hindi mo tatalikuran, yung taong kayang kaya mong ibaba yung pride mo ng di ka nagdadalawang isip, yung taong itetext mo parati at di mo pag-iisipan na baka naiirita nasayo, yung taong ayos lang at mas gusto niyang dramahan mo siya, yung taong naaappreciate ka, basta yung taong di ka kayang mawala at sobrang napapasaya ka, yung taong ganun. Mag-iisang taon na, pero wala, wala paring nakakapalit sa pwesto niya. Andami ko ng nakatext, naging Ka-M.U, Nangligaw, o naging More than friends, pero wala. Wala sakanila yung napagsabihan ko ng mga confidential na problema at napag-aminan ko ng deep na sikreto. Wala sakanila yung nagawa kong iopen - up yung sarili ko ng walang alinlangan. Wala sakanila yung nakakita sakin na umiiyak sobra, at nadedepress dahil sa mga problema. Wala eh. Natakot na ata akong i-open yung sarili ko sakanila. Nagkaroon na ata ako ng pader sa paligid ko. Na-oo nakikisalamuha ako sakanila, na-oo nakakausap at nakikita, nahahawakan o minsan more than pa, pero wala sakanila yung sobrang naabot yung puso ko, yung nakakita ng soul ko. IYKWIM. Basta yun, wala pa talaga. Siya parin talaga. Pero ayos lang atleast mas nahahanda ko yung sarili ko sakaling dumating na yung taong mahuhukay yung buong pagkatao ko and yet matatanggap ako. Aantayin ko yung taong yun, at magrereserba ako ng pagmamahal, at sosobrahan ko pa, at sisiguraduhin kong magiging Loyal at understanding at sobrang mabait at maalaga akong girlfriend sakanya. Kelan kaya? Asan na kaya siya? Darating pa ba Lord? But its alright, I trust your plans and will always put my hopes up!