Sana...
SANA kami pa rin. SANA pag pumikit ako hugas na ang mga pinggan. SANA hindi nauubos ang pagkain. SANA pwedeng ibalik ang nakaraan. Bakit ba kasi nauso ang salitang SANA? Saan ba nanggaling yan? Leche naman kasing sana yan ehh! Sana walang salitang sana! Dahil sa lecheng sana na yan marami ang umasa, umaasa at aasa! Sana! 50/50 maaring matupad maaring hindi. Kung sa bagay, Kung ginawa sana ang tama edi sana hindi ka na gumagamit ng word na SANA Buti nalang parehas kaming maghandle kaya kami parin. Buti nalang masipag ako, kaya mabilis kong nahusagan ang mga pinggan. Buti nalang nakapagisip ako ng mabuti nung mga panahon na yun. Buti nalang hindi ko kinain ang pagkain.









