Istoryang barbera.
Feb. 2015 nung nakipaghiwalay sya saken. I mean, nawala na lang ng parang bula yung relasyon namin. Hindi ko din kasi talaga alam kung paano, bakit at ano ang nangyari sa amin non. Basta ang lahat ko, hindi na sya nagparamdam. Naghalo na lang sya ng parang bula. Masakit. Iniwan ako e. Iniwan ako sa ere nang hindi ko alam kung bakit. Ang hirap magmove-on kasi yung mga nakasanayan mong gawin nung nandyan na sya, wala na bigla na lang nawala. Nagmove on ako. Kinalimutan lahat. Nag-entertain ng mga manliligaw, nagkaroon ng bf pero darating ka talaga sa point na babalikan mo yung taong talagang nagpapasaya sayo e. Yung taong nakakaintindi lang sayo sa lahat ng bagay. Bumalik sya. Binalikan nya ako. Binalikan ko sya. Pinagpatuloy namin yung naputol na relasyon namin. Nag-usap kami. Pinaintindi sa bawat isa kung ano yung mga problema na hinarap namin noon. Kaya ngayon, 20 months na kami. Kahit puro away, tampuhan, nakakapit pa rin kaming dalawa sa isa't-isa. Alam kong imposible, pero sa tingin ko, siya na si Mr. Right. -












