Gusto kong sumulat na para bang panahon pa ng computer shop days. ‘Yung mga tipikal na jejemon typings pero naiintindihan mo naman ‘yung mga sulat.
Kasabay nang pakikinig sa kantang “Kundiman” by Silent Sanctuary. Hindi man ako namulat sa ganoong pagkabata ngunit ngayong nasa highschool na ako, masarap pala pakinggan ang mga ganoong kanta. Nalilimutan mo ‘yung mga stress sa school.
Ang mga klasik na banda tulad ng Parokya ni Edgar, Eraserheads, Kamikazee at saka ng Rivermaya ang mga pinapakinggan ko sa ngayon sapagkat ito ay ang aking pampahinahon sa mga oras na ako’y may mga pagsubok na hinaharap (Daming alam!).
Ayun lamang sa gabing ito. Sana’y mapagpatuloy ko ‘to kahit walang nagbabasa.











