Topak
Ewan ko nga ba naman kung anong toyo naman ang pumasok sa utak ko dahil nang away ako ng gelpren without reason. Bigla nalang ayoko makipag usap, pumansin o ngumiti. Alam ko lang inaantok ako. At sinisisi ko yung paggising ko ng 8am at siya. Ngayong nakatulog nakong 2hrs+ namimiss ko naman siya. Galit na yata dahil walang ka-emoticon yung pagchat ko ng Goodnight kanina. At ngayon nga, Namimiss ko naman siya.. At hindi pa ako kinaka usap. Naguguilty tuloy ako sa pag away ko. Sana hindi siya mapagod umintindi sa mga topak ko kahit sa pinakamababaw na dahilan. x











