Hi neng! Kamusta ka na? Alam mo bang miss na kita? Hindi na tayo masyadong nakakapag usap. Hindi ka naman nagtetext eh, hindi ka rin nagt.a at fm, so ano? Ako magfirst move? Chix? Hahaha jk! Alam mo naman na madalas ako walang load eh pero pag may prob ka naman sinasayang ko piso ko makareply lang alam mo naman yon diba? Hahaha. Bakit ganon di ko alam sasabihin ko? Hahaha. Speechless.
De, ayon thank you. Isa ka sa mga unang kaibigan ko dito. Kelan nga ba tayo nagkakilala? July? Haha. Ang kapal mo nga eh ang tanda mo na pero tinatawag mo pa kong ate alam mo naman na sa 19 below lang ako nagpapatawag ng ate eh. Pero dahil love kita, excempted ka. Ayiieeee. Hahaha. Syempre we’re sisters. Alam mo yan.
Naalala mo ba nung una tayong nagkita? Diba nilait lait mo yung height ko? Masama bang maging 6footer? Hahaha. Enjoy na enjoy ako kapag kasama kita ang kulit mo kasi para kang bata hahaha tapos palagi mo pa ko inaasar, ganyan ka eh. Tapos di mo pa ako nililibre. Dami mo na utang sakin eh. Salamat sa pakikinig ng drama ko, kahit na binabara mo naman ako palagi. Alam mo na, na kapag tatawag ako sayo, iiyak lang ako hahaha, de sumisinghot lang ako. May sipon lang talaga ako non hahaha. Hay those days.
Ayoko sabihing madami ng nagbago pero parang ganon. Madami ka na din bagong kaibigan, ako loner pa din de di naman issue satin yung mga friends e kasi simula palang magkaiba na tayo ng set of friends. Madami na din nangyari na talaga naman bumagabag sa kalooban ko haha babanggitin ko pa ba? Wag na siguro. Basta nahirapan ako non to think na pareho ko kayong kaibigan. Wala akong kinampihan pero inalam ko both sides. Hindi daw babanggitin pero dami sinabi. Ang importante tapos na yon, siguro nag iba yung tingin mo saken pero ewan ko pero sana hindi. Alam ko (dami kong alam no?) nawalan ka ng ibang kaibigan pero madami naman pumalit diba? Saka mawala man silang lahat, nandito pa din ako. Wala nga lang load. Hahaha. Ayokong iisipin mo na wala akong time sayo baka kasi itanong ko din sayo yan. Basta ako nandito lang, hindi man kita palaging matext o fm or ta. Yung mga sinasabi ko sayo palagi dati pa, wag malandi. Hahaha de basta yung mga sinasabi ko alam mo na yon. Para sayo din kasi yon. Salamat kasi MINSAN nakikinig ka sakin. As in minsan lang. Sabi ko naman sayo, wag mo kong tatawaging ate kung hindi mo naman ako susundin, kasi lahat naman ng sermon ko para sa kapakanan mo yon naks. Matanda kana alam mo na yung mga dapat o hindi dapat gawin okay? Behave lang palagi. Kahit ano pang mangyari, tanggap kita, lahat ng flaws mo. Nung kinaibigan kita kasama na yon eh.
Osige na baka matouch kana eh. Hahaha. Alam kong magkikita pa tayo, so kelangan ko ihanda sarili ko sa pang aasar mo. Hahaha. Gagraduate ka na pala, malilibre mo na ko! :) Congrats ha! So ayon bye. Hi pala sa mga friends mo. Hahaha.
P.S: Naiinis pa din ako sayo kasi nagdeact ka :/