Mahal na Ina, sobrang natuwa po ako na open na yung Prayer Garden until 12 am kapag weekdays. At sakto First Wednesday ng taon ngayon. Sana po soon makapasok na ulit sa Main Church. Gustong gusto ko kasi magpasalamat para sa buong 2021 na nagdaan. Maraming Salamat po sa lahat ng biyaya at pagpapala na nakamit namin sa pamamagitan ng iyong tulong. Sana po ngayong 2022, patuloy niyo kaming gabayan at proteksiyunan - ang aking pamilya, mga kaibigan at mga mahal sa buhay. Kung anuman ang magiging hatid ng panibagong simula sa akin, walang hindi kakayanin. Dahil alam kong lagi kang nandiyan para sa akin. Nananatili at mananatiling tapat at totoo ang pagmamahal mo sa akin bilang Ina ko. Mahal ko po kayo! ❤️ 𝙈𝙖𝙨𝙞𝙣𝙩𝙖𝙝𝙞𝙣𝙜 𝙄𝙣𝙖, 𝙩𝙪𝙡𝙪𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙢𝙤 𝙠𝙖𝙢𝙞. 🙏 #firstwednesdayof2022 #baclaranday #masintahingina #ourladyofperpetualhelp (at Novena Church) https://www.instagram.com/p/CYWtQNVPOJIWmgW3G-tMl9mIEVyxZVMA6GVaws0/?utm_medium=tumblr











