Okay na sana tong araw na to kase nag spend ka ng day kasama ung boyfriend mo, kaso, sadyang may mga pangyayaring di maganda ehh. I don't know. Paranoid ako. Kaya every time na tinatry kong hiramin ung phone nya, tapos, ayaw nya ipahiram sakin, nagdududa ako. Feeling ko, may tinatago sya. I know, I'm being unfair. I have trust issues kase e. Ehh hello, sya ung sabi ng sabi na dapat pagkatiwalaan ko sya, kaso ung mga maliliit na bagay, binibigyan nya ako ng dahilan para magduda. Unang nakakainis yun. Pangalawa, parang nag-ask sya kung nagsasawa na ako. Eh tae pala e. Hindi nya un tatanungin kung hindi sya nagsasawa. </3 Ung huli ay.. Pauwi na ako, hinatid naman nya ako nung una, kaso, nung nasa jeep na ako, kinapa ko ung bulsa ko, wala ung wallet. Badtrip lang e. Buti, napansin ko agad. Ayun, pumara ako. Nagalit nga yata ung driver e. Hahaha. Tinadtad ko sya ng text para dun sa wallet. Eh putek. Late receiver ang gago, pumunta din ako sa bahay nila. Akala ko, ihahatid nya ako ulit dun sa sakayan, kaso, hindi na e. Ayun. Naiinis ako kapag ganun sya. Tipid na tipid mag-effort. Pero, wala akong magagawa. Meron pala, ayaw ko lang gawin. Mahal ko e.