Starting Next Week.
Gagawin ko ang ginagawa ni beben.
Mag fefeature ako ng isang blogger sa loob ng isang linggo.
Bakit ko gagawin ito?
Marami kasing tao ang magagaling na hindi nakikita ng iba.
May mga magagaling talaga mag sulat at makakarelate ka.
Natatakot lang sila magsabi na i check ang blog nila.
Walang tutulong kundi ang mga matatagal na rin sa tumblr.
Kailangan nila ng taga basa, dahil isang magandang compliment sa isang tagasulat ang maraming taong nagbabasa.
Para magkaroon sila ng maraming kaibigan.
Ma enjoy nila ang tumblr ng husto.
Isang pasasalamat sa pagtulong na rin sakin na magkaroon ng idea sa iba pang mga topic.
Dahil dito, lalo silang gaganahan magpost, dahil alam nilang may nagbabasa ng blog nila.
Uumpisahan ko ito sa susunod na Linggo, sana eh hindi kayo magdalawang isip na ifollow ang mga blog na ililista ko at ipapaliwanag ko bakit sila dapat i follow, ipapaliwanag ko at ipapacheck ko naman sa inyo kung gusto niyo pa rin i follow, hindi ko kayo pinipilit, pero kung magandang blogs ang hanap niyo, hintayin niyo ang mga feature blogger of the week ko.
Hindi man ganun kadami ang followers ko, eh alam ko naman marami akong readers. Kaya sigurado akong magiging masaya ang mga fefeature ko.
Bakit next week? Kasi pagmamasdan ko pa ang mga blog nila, ililista ko na yung mga blog na i feature ko at kung pano ito ipapaliwanag sa masa.











