My love of my life.
hello vonnie

Discoholic đȘ©
Lint Roller? I Barely Know Her
Alisa U Zemlji Chuda
Game of Thrones Daily
styofa doing anything

if i look back, i am lost

#extradirty
Monterey Bay Aquarium
noise dept.
ojovivo
Peter Solarz

Love Begins

blake kathryn
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH

Kiana Khansmith

JBB: An Artblog!
Cosmic Funnies
RMH
Xuebing Du

seen from Russia

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from China
seen from Romania

seen from Malaysia

seen from Australia

seen from United States

seen from Malaysia

seen from Brazil
seen from United States

seen from Malaysia

seen from United States

seen from Malaysia

seen from France

seen from Poland

seen from United States

seen from Italy
@matabangutak
My love of my life.
âMahal ko eh"
Parang kapag ganito na ang sinabi sa 'yo ng isang taong may problema sa pag-ibig? Asahan mo ng walang tatangaping payo 'yan. Mapipikon ka lang kung aasahan mong magbabago 'yan. Ang tanging gagawin mo lang ay makinig sa kaengotan sa experience niya. Pagbigyan niyo na sila at ibigay ang moment sa kanila. Huwag mo silang pagalitan or sabihan ng masasamang salita. Gusto lang talaga nila ng makikinig sa kanila.
Parang lahat naman tayo dumaan sa ganito? Nataon lang na okay ang mental state natin ngayon. Kaya naman tayo 'yong may capacity magbigay ng payo at makinig. Hindi naman sa gusto natin silang mapahamak, pero isa itong way para di ka na rin ma-stress at mainis kapag sinabi mo na lahat ng alam mong words of wisdom tapos sa huli alam mong babalik at babalik lang siya sa piling ng taong pinoproblema niya. Believe me, sila mismo ang mag-decide sa sarili nila kung kailan sila aalis. Kapag talagang nasaktan na sila, napagod, at na-realize na hindi na worth it lahat ng iyak nila sa taong 'yon. So kung patuloy ang kaengotan na nangyayari? Baka mahal pa niya talaga? Lam mo na, luma-love endures all things pa ang peg niyan.
Ang mensahe ko naman sa taong pinag-uusapan namin dito. Go lang. As long na hindi ka pa tuluyang nababaliw, as long na willing ka pa rin mabuhay at maging masaya at your own phase edi go, stay engot. Pag napagod ka na edi at least, alam mong hindi talaga kayo sa huli. Malay mo nga naman biglang mag iba ihip ng hangin at bigla nilang i-reciprocate yung pagmamahal mo 'di ba? Alam ko na sa huli ay mas magiging matibay kang tao dahil darating 'yong araw na ikaw mismo ang magliligtas sa sarili mo. Ikaw mismo ang mag dedesisyon na tama na ang kalokohang ito at sarili mo naman. Once na dumating 'yon? Yun ang time na masasabi mong pinili mo naman ang sarili mo. Doon ka pa lang mag-start mag-heal for good. I just hope na makita at maramdaman mo 'yong legit na love. Kasi masaya siya at hindi 'yong nararamdaman mo palagi na kalungkutan. Ang totoong nagmamahalan? Isa lang ang gusto niyan. Yung parehas masaya lang sila sa isa't isa.
Yung kahit walang sinasabi, nararamdaman mo. Hindi mo laging dapat patunayan. Hindi ka hihingi ng pasensya dahil nagmamahal ka lang. Yung hindi mo laging kalaban ang sarili mo tuwing gabi asking what went wrong? Nagmahal ka lang naman?
Di kita pinagbabawalan sa kaengotan mo, pero sana magka-idea ka man lang. Yung mga pananaw mo na ipaglalaban mo hanggang sa huli dahil mahal mo? Tama 'yon. Pero valid lang 'yon sa dalawang taong nagmamahalan.
Sana pag nahanap mo na yung spark, panghawakan mo na siya. Sana huwag mo itong bitawan sa mga panahon na nahihirapan ka. Tandaan mong walang growth sa comfort. Kaya sa mga panahong pakiramdam mo ay nahihirapan ka, isa itong sign na concern ka sa ginagawa mo. Isa itong sign na gusto mo mag-grow. Trust your own phase. Magtiwala ka lang sa sarili mo and magugulat ka na malayo na pala ang narating mo.
Kumusta naman ang 2026 niyo so far? Is it working the way you expected or too early to tell? Sana magawa niyo lahat ng mga ninanais niyo. Sana ito na âyong harvest year niyo ng mga hardships niyo last year. Ingat kayo palagi!
Kaya pala âConsistency is the keyâ âyong quote. Kasi, yung pagiging consistent mo ang magiging susi para magbukas lahat ng pintuan ng oportunidad para sa âyo. Hindi siya bubukas mag-isa. Kailangan mo rin umaksyon. Makakahulma ka ng susi sa pagiging consistent. Legit âyong mas may mararating ka kung hindi ka titigil. Kung hindi mo hahayaang âpangarap langâ ang pangarap mo.
Mas makakakalayo ka kung palagi kang curious sa mga bagay-bagay. Huwag matakot sa new challenges kasi growth ang kaakibat nito. Huwag mainip, piliing magising, kaysa managinip. Manatiling uhaw at huwag matakot matuto sa lahat ng tao sa paligid mo. Always share your knowledge. Who knows? May natutulungan at na-iinspire ka na pala.
Parang kaya tayong patuloy na bumabalik dito kasi malaya tayo dito lahat. Walang mga boomers at hindi abot ng utak ng mga trolls ang lahat ng makikita nila rito. Ayun âyong napansin ko bakit ako hirap magsulat minsan sa Facebook. Parang hindi mo pa pinopost iniisip mo agad kung makaka-offend ka ba? May mga sensitive ba na taong matatamaan? Which is a good thing naman dahil ina-apply natin âyong âThink before you click.â
Pero sobrang iba kasi talaga ngayon sa FB. Lowkey bumabalik ako rito kasi sobrang open ng mga tao rito. Literal na yung mga sulat na mababasa mo rito ay galing sa puso nila. May soul. Walang pasikat. Lahat, gusto lang mag-vent out. Nakaka-miss magsulat dito na parang dati lang. The best pa rin ang platform na ito talaga. Dito ramdam mo pa âyong freedom of speech. Sana mag-boom ulit itong platform. Sana may new wave of bloggers or mga tao na mag-re-register dito. Sana ma-experience nila how awesome ng platform na ito.
Hello guys, musta na kayo rito? Kumusta na mga pangarap niyo? Kumusta na yung mga problemado dati sa pag-ibig na may mga asawa na? Sana okay lang kayo lahat. Sana you made it this far. Proud ako sa ating lahat. Masaya ako sa narating ng karamihan sa atin. Dala-dala natin ang memorya ng bawat isa. Andito lang ako palagi nakamasid sa lahat ng achievements niyo.
âAng bilis ng panahonâ â ito lagi yung sinasabi natin tuwing nararamdaman natin ang pagsapit ng pasko. Parang inabutan na naman tayo ng susunod na taon tapos pakiramdam natin parang di ka na naka-catch up.
Feel ko hindi naman talaga mabilis ang panahon. Sadyang mas matagal lang tayo nakakauwi ng bahay ngayon. Yung byaheng sobrang bilis pag walang traffic pero dalawang oras kapag rush hour na. Yung pahinga mo na may kasamang pangamba kasi gabi na at kailangan mo na ulit magpahinga para gumising ulit sa umaga para di ka ulit ma-late kinabukasan. Mas marami lang nasasayang na panahon kakatingin sa cellphone. Mga puyat na inuutang sa gabi tapos tanghali na gigising. Baka nag-iba lang tayo ng lifestyle at inako na rin natin ang mga responsibilidad. Pero âyong panahon, ganun pa rin. Hindi nagbabago.
Wala na tayong oras mag muni-muni. Yung katahimikan laging may nakasingit na pangamba. Yung mga pahinga na minsan hindi na nirerespeto ng iba. Minsan, nakukuha, pero minsan pakiramdam moây may mali pa. Yung mga hilig natin, tinatago na lang sa isang tabi. Naghihintay magkaroon ng oras ulit. Araw-araw kang nagdadasal na manatili sana ang sigla sa mga bagay na pinapangarap mong abutin. Patuloy na nilalabanan ang mundong pabor lang lagi sa mga nasa itaas na. Paano na ang mga taong nais lang sumubok? Mga taong nagbabaka sakali?
Kaya bilib ako sa mga taong patuloy lang sa buhay. Ginagawang biro ang mga problema kahit seryoso na ang epekto sa kanila. Sana magtagumpay tayong lahat. Sana dumating yung panahon na yung mga hindi sumuko naman ang papalakpakan.
Kahit andami na bagong lumabas, babalik at babalik ka pa rin talaga dito sa Tumblr. đ„č
Buhay pa rin ba yung Sabbat niyo? Haha! Ito ata pinaka matibay na earphones na maganda tunog at the same time.
Ayan yung budol link guys. Haha!
https://shope.ee/5V01DWjjs0
https://shope.ee/5V01DWjjs0
https://shope.ee/5V01DWjjs0
Hello guys! Baka hindi pa ulit kayo nakakabisita sa ating Podcast! Available na po ang ating 11th episode sa Spotify! Thank you!
Hello guys, may Episode 3 na tayo sa ating podcast! Makinig here at tungkol ito sa Pseudo-Relationship.
Maaari rin kayong sumali sa ating The Bakit List Podcast Community. Mase-search niyo agad siya sa Facebook. Thank you!
Uploaded na ang Episode 3 ng The Bakit List Podcast at isa ito sa pinaka nakakatuwang topic na ni-record ko. Kaya naman stream niyo na and sali na rin kayo sa Community namin para pwede kayo mag-share ng Mga Bakit niyo.
https://open.spotify.com/episode/4vGz9PbjkAfZnLycRaFLm1?si=38PK9HpeQieoHywGW21AuQ
Hello guys! Sali kayo sa group na âto kung gusto niyo mag-send ng mga Bakit niyo and makipag connect sa community. Andito rin ako at magbibigay ng payo.
Hello mga kaakit-bakit! Dito tayo magkakagulo at magsasabihan ng mga Bakit! Post lang kayo ng mga Bakit Niyo sa buhay and share your thought
Simulan na natin 'to mga bhie! Wag niyo nang palagpasin ang unang episode ng The Bakit List Podcast. Ito na ang sasagot sa lahat ng BAKIT nyo in life!
LISTEN AND FOLLOW US ON SPOTIFY: https://bit.ly/TheBakitListPodcast
DON'T FORGET OUR SOCIALS!
FACEBOOK: https://www.facebook.com/thebakitlistpodcastph/
INSTAGRAM: https://www.instagram.com/bakitlistpodcastph/
TIKTOK: https://www.tiktok.com/@bakitlistpodcastph
#thebakitlistpodcast #kuyarhads
#spotifypodcast #applepodcasts #OomphPodcasts
Thank you sa support Tumblr Peeps!!!
Nasa @Netflix_PH na po ang first ever motion comics na ginawa namin. Sana ay masuportahan niyo. Ito po ang direct link maraming salamat!
https://www.netflix.com/us/title/81629688?s=i&trkid=13747225&vlang=en&clip=81630136
Ito po pinagkaka abalahan namin lately kaya di na rin masyado nakakapagsulat dito. Gusto ko lang i-share ang achievement na ito sa inyo guys! Sana ay mapanuod niyo.