Takas Tayo
Heto na naman ang pagsapit ng dapit hapon, Kung saan darating ang gabing hindi matahimik, Alingawngaw ng kung ano-ano ang iyong maririnig, Gusto ko nalang na lumayo sa mundo, Kahit isang saglit, kung saan ang buhay ay tahimik, Kung saan malayo sa bangungot ng problema, Oh kaya isang gabi na kapiling ka, Sa tabi ng dagat, sa ilalim ng buwan , Malayo sa sa maingay na mundo, Ikaw at ako sa tabi ng dalampasigan, Pinag uusapan ang mga bagay-bagay, Simula sa pinaka walang kwenta hanggang sa pinakamahalaga, Kaso heto pa rin ako nakakulong sa maingay na mundo, Kaya halika na sabay tayong tumakas, Tara na't lumayo, ikaw at ako, Wag ka na mag dalawang isip, Hihintayin kita saking panaginip.














