Masakit Diba?
Yung Pag-open mo ng messenger, pangalan niya agad hinahanap mo baka nagreply na sa huling chat mo.
masakit diba?
yung ikaw na lang palagi yung unang nagcha-chat, mag-iisip ng topic tumagal lang usapan nyo.
masakit diba?
yung priority mo siya
kahit assignment mo hindi mo na magawa maka-reply lang.
pero siya walang paki-alam.
masakit diba?
yung umasa na sana isang araw siya na yung unang mag-chat,
na sana siya naman yung mag-effort,
at sana bigyan ka rin niya nang halaga.
at ang pinaka masakit?
yung wala kang karapatang magreklamo,
wala ka sa lugar para magselos,
at wala kang karapatang magdemand
kasi wala namang kayo!














