Bakit Traffic? : Ang masakit na katotohanan
(TRAFFIC=TRAFFIC JAM dito sa Pilipinas) Pag-sakay kong bus sa Makati papuntang Ortigas. Tanggap ko na sa sarili ko na magtatagal ako sa bus na yun. Nakasakay ako ng 3:58 pm at nakarating ako sa Ortigas ng 5:02pm. At habang nasa biyahe ako at nakatingin sa pila ng sasakyan. Napaisip ako bigla, Bakit nga kaya traffic? Public Utility Vehicle lang ba may kasalanan? At ito ang aking na-realize.
Ang kalsada natin ay isang malaking embudo.Ang 4 lanes nagiging 2 lanes tapos magiging 3 lanes balik sa 2 lanes. Halimbawa sa intersection ng Ortigas Ave at C5. Kapag galing ka ortigas papuntang De Castro.Ang daanan mula sa Ortigas Valle Verde ay 3 lanes at pagkatawid sa C5 magiging 2 lanes at bago umabot sa tulay ng Rosario magiging 3 lanes ulit at pagkababa ng tulay magiging 2 lanes saglit at magiging 4 lanes ulit. Isang halimbawa
Isa pang halimbawa sa Ortigas Ave pa rin corner Amang Rodriguez. Kapag nasa simbahan ka ng Rosario. Ang Ortigas Ave ay may 4 lanes at ang Amang Rodriguez ay may 2 lanes . At yung 4 lanes ng ortigas at 2 lanes ng Amang Rodriguez ay mag-memerge sa 2 lanes na patungo sa Rosario Bridge. Ang sakit sa ulo di ba? Hindi ba naisip ng mga City Engineer na magiging problema ito? Ang sakit sa bangs. May ginagawa naman ang gobyerno sa mga kalsada na ito, Road Widening. Pero ang problema.Ang Road widening ay hindi consistent.Isang part lang ng kalsada ang may road widening at ang masaklap.Ang dagdag daanan ,ginagawa namang parking lot.
Aminin na kasi natin. Masyado talagang maraming private vehicles. Hindi totoo? Sige taena, tingnan mo ang EDSA.Kung anong lane ang umaawas. Ang lane para sa mga private vehicles! Pati bus lane, sinasakop na din nila.Hindi pa rintotoo? Kung konti lang ang private vehicles, tingin ko hindi gagawin parking ang side part ng kalsada tulad sa Valero St. Makati City. At kung hindi pa rin. Sana ang Ortigas Ave sa La Salle Greenhills ay hindi nagiging parking lot tuwing pasukan o uwian ng mga estudyante! Bwisit! Paano naman kasi, ang mayayaman, kung makabili ng sasakyan parang damit lang. Iba kay Daddy, Iba kay Mommy at Iba din sa mga anak.Pero okay lang yan basta may sariling PARKING! Hindi yung makabili lang pero hindi iniisip ang magiging parking nila! Hindi ba totoo? Natamaan ka? Patawad brad, hindi ko sadyang saktan ang damdamin mo o damdamin ng kamag-anak mo o kaibigan mo. Kaya kahit may nakalagay na NO PARKING! Wapakels! Kahit nga sa Subdivision o Executive Village. Angisang side ngkalsada ay parking.
Isa sa problema sa kanila. Kung makahinto ng sasakyan. Pa-slant! 2 lanes ang sakop! Nagmamadali? Oo nga, nagmamadali nga kayo para makarami ng biyahe o para hindi maabutan ng ibang kalaban. Isa pang problema sa inyo. Kahit hindi naman loading area. Aba, kung makatambay sa kalsada akala mo nagkakape pa sa starbucks. At kapag hinuli ng pulis, ito ang madalas na sagot/reaction nila. “Ay sir, pasensiya na sir, hindi ko alam nabawal dito” (Nakakaloka, kahit hindi mo alam, nakikita mo naman sanhi ka ng traffic. Aba, konting hiya naman dyan manong) “Pasensiya na sir, baka pwede naman natin pag-usapan“ ( Mas nakakaloka, tuturuan pa ng masama si traffic enforcer?) Pero may mga traffic enforcer din na sadyang kupal kaya ang ilang driver. Nagiging kupal din.
OO, ikaw at ako! May kasalanan din bakit traffic.Nagtataka kung bakit? Sige bibigyan kita nghalimbawa. Unang halimbawa. Ang laki na ng sign na BAWAL TUMAWID DITO! MAY NAMATAY NA DITO! Pero walang silbi yun.Parang hindi nabasa. Tingin ko dapat ang mga sign natin ay medyo mean. Dapat ang nakalagay.TAENA SIGE TAWID PA! MASAGASAAN KA SANA! O kaya BAWAL TUMAWID AT MAS LALONG BAWAL ANG BOBONG KATULAD MO! Pero tingin ko hindi pa rin sapat yun. Bakit? Tayong mga pinoy sa sobrang sipag. Tamad na tayo pumunta sa tamang tawiran. Ilang hakbang na lang overpass na, pero tatawid pa rin sa kalsada. Pangalawang halimbawa. Tayong mga Pinoy gusto natin unahan ang kapwang pinoy natin.Bakit? Kasi sa lahat ng loading area. Ang mga tao.Lumalampas dun para lang salubungin ang bus o jeep. Yung 4 lanes na kalsada, nagiging 3 lanes na lang kapag rush hour dahil ang isang lane ay para sa mga taong nag-aabang ng masasakyan. Pangatlong halimbawa. Yung mga pasahero na sobrang tamad. Yung tipong huminto na yung jeep sa tamang babaan. Tapos after umaandar ulit ang jeep, mga 5 ikot ng gulong. May papara ulit? Nakakainis di ba? Kung hindi ka naiinis sa ganun, malamang isa kang tamad na pasahero. Pang-apat na halimbawa. Kapag may pedestrian naman, kung makatawid akala mo naglalakad sa park. O kaya naman kahit naka-go ang mgasasakyan..Tatawid pa rin. Hindi makapag-hintay, tapos kapag nasagasaan o nabundol..Parang yung driver lang ng sasakyan ang may sala.
Bakit traffic? Dahil sa atin. Dahil mismo sarili natin walang disiplina.Tapos kung maka-reklamong ma-traffic akala mo wala siyang contribution sa traffic. ANG KAPAL NG MUKHA MO!
Tingin ko dapat yung mga traffic sign natin ay palitan na talaga. Dapat yungbadboy na traffic sign o kaya sarcastic. Tulad ng mga ito.
Sa mga kalsada, mahirap ng ayusin. Marami din kasi sa atin ang may permanenteng bahay sa tabing mga kalsada. Kaya mukhang malaking gulo kung sa pilitan kunin ng gobyerno ang kanilanglupain. Sa Private Vehicles. Sana bago tayo bumili ng kotse. Siguraduhin muna natin na may parking kayo. Yung matinong parking. Hindi nakiki-park sa kalsada. Sabi ng isang tao na hindi ko matandaan ang pangalan. Ang sign daw ng maunlad na bansa ay hindi sa bilang ngmga private vehicle kundi sa dami ng taong nag-co-commute. Isipin na lang natin, ang isang bus na may seat capacity na 60 ay katumbas ng 12 kotse. Di ba? 12 kotse agad mawawala sa kalsada? Ei yung 12 kotse na yun, madalas ang sakay lang nun ay 1 o 2 dalawang tao. Sa P.U.V Driver naman, tamang disiplina sa paghinto at pagparada ng mgasasakyan ninyo. Kung hindi ninyo kaya yun. Dapat may sariling lane kayo. Yung may wall, para di na kayo pa-lipat lipat ng lane. Parang truck lane..Oo nga.Mabuti pa ang halos na truck driver..Matitino. At sa mananakay. Ako at ikaw. OO! IKAW Mismo! Huwag tamad, pa-sosyal maglakad at disiplina din. Salamat sa pagbabasa!















