It was another *normal* day when:
Bumibili ako ng milk tea sa Dapitan suot ko pa yung lab gown ko (syempre yung safe na store para di ako mag-ala-chemist na nageexperiment na bumubula yung bibig)...
MAY BARKADA DUN GUMAGAWA NG ASSIGNMENT BIGLA AKO SINIGAWAN
Sila: OMYGASH TIGNAN MO MAY MAGTUTURO NA SATIN!!
(nakanganga palang ako bigla na akong hinila para magpaturo sa pagbalance ng redox reactions)
Me: Ano kinalaman ko dito? prank ba ‘to?
Sila: Kuya dali to may beaker kami dalawa pa. Dali idemonstrate mo na.
Me: Hah.. alam ko lang magbalance pag nakasulat sa papel. Hindi sa actual.
Sila: Ano ka ba kuya. Tignan mo oh, meant to be tayong lahat dito saktong naka labgown ka pa.
Me: O sige na nga.. Akin na yung dalawang beaker at yung dalawang styro balls.
(hawak yung 2 styro sa magkabilaang kamay)
Me: So kunwari ito yung chemical equation. Yung isang styro yung product side tapos yung isa yung reactant side.
Me: Hinati ko yung isang buoing equation para meron ka nang half-reactions.
PARANG MAGIC BIGLANG NAGKAROON DUN NG WEIGHT BALANCE, YUNG MAY DALAWANG PARANG PLATO SA GILID.
Me: Oh yan. I-balance mo na bawat element bukod sa O at H. Pwede ka magdagdag ng tubig at electrons. After nun, i-balance mo ulit para parehas yung electrons sa magkabilang side. Para magawa yun i-multiply mo ng integer yung both sides. Then, pagsamahin mo na yung 2 sides para tapos. Tanggalin mo nalang yung mga ibang dumi (species) para maayos tignan. I-cancel cancel mo. GANYAN PAG ACIDIC. Pag basic naman, edi akala mo tapos na noh, pero young basic kasi, maarte yun. Ayaw niya ng H+ kaya para matanggal yun, maglagay ka ng OH- sa bawat side, kung ilan yung nirerequire. Dahil jan, magkakaron ka ng H20 tapos icancel cancel mo nanaman hanggang matapos na.
Sila: HUWAW KOYA ANG GALING MO NAMAN PO!!! :D
Me: (blushing) talaga.. hihi di ko nga sigurago yan eh.
Sila: OK lang po kuya SIGURADO PO KAMI TAMA YAN.
Me: Hah edi kung ganun meaning alam niyo talaga yung gagawin!!!
Sila: (pacute) Ay oo nga po pala koya, nakalimutan lang namin hihi :))
Me: Haayy... #pogiproblems.