kahit mahirap, kahit hindi ko maintindihan. kahit hindi ko alam kung kakayanin ko talaga. dito ako nilagay ni Lord, dito nya ko tuturuan. dito nya ko pagpapalain, dito nya ko gagamitin. kaya kahit mahirap, kahit ayaw mismo ng sarili ko, wala akong choice kundi sumunod sa kagustuhan ni Lord. kahit na paulit ulit kong natatanong kung bakit dito nya ko dinala. isang environment na hindi ako pamilyar at wala akong alam. bago lahat sa pandinig. ni hindi ako sigurado kung tatagal ba talaga ako. yung pressure napakataas. kahit na lahat ng bagay na yon, alam kong dito pa rin nya ko nilagay. meron kaunting kapayapaan na kahit di ko alam at di maintindihan, ang Lord ang naglagay sakin dito. at meron ding takot at lito dahil wala akong alam sa lahat ng bagay na ito. napaka imposible na mapasok ako dito sa company na ito pero naipasok ako ni Lord. iniisip ko nlng na kung paano nya ginamit sakin ang subic montessori noon para maipasok ako sa deped, siguro ganun nya rin gagamitin sa buhay ko ang al nabooda. wala akong problema sa al nabooda as company itself. maganda ang sahod, ok ang benefits. but the people around, and the nature of the business itself. wala akong ka alam alam at idea. bahala na. susunod na lang ako sa agos. bigyan sana ako ni Lord ng lakas para masurvive ko kung ano man ang mga parating