June 17, 2019
Piliin ka'y tila napakahirap, damdamin mo'y paulit-ulit ng nawasak. Naghihintay at nagbabakasakali parin na baka may magkamaling hagkan ka at manatili.
Takot, sugatan at gulo sa mga pangyayari. Kaya pa bang maniwala sa sinasabi ng nakararami kung ilang beses na nilang pinagtaksilan at tinalikuran?
Nanunuyo ang lalamunan, ngunit mga mata'y tila ilog na patuloy sa pag-agos. Puso'y tila nahinto sa pagpintig, katawan'y waring naging batong sumasabay sa pagyanig ng lupa.
Tanging nais ay lingid sa alam ng nakararami, paraan mo upang matukoy kung intensyon'y totoo.
Bakit ba patuloy na lumalaban? Diba sabi mo pagod ka na?
Hanga sayo ngunit di malimot ang iyong madilim na kahapon. Magiging malaboy nalang sa mundong nakakalason hanggang sa bawian ng buhay.









