Paalam kahapon. Kailangan ng bumangon mula sa pagkakadapa, at harapin na ang panibagong simula. Maaring may mga masasakit na salitang nabitawan, mula sa kahapon na ayaw ng balikan. Mga damdaming nasaktan, dahil sa mga imusyon na dulot ng galit at hinanakit. Pusong nadurog, dahil sa pagmamahal na hindi kayang maibalik. Patawad ang tamang salita, sa mga pagkakamali na nais ng maitama. Patawad sa lahat ng nakasamaan ng loob, ngayon ako'y nandito na at muling nagbabalik loob. Salamat sa lungkot at saya ng nakaraan. Ako'y muling lilingon, upang magpaalam at sisiguraduhing natuto na sa lahat. Bangon na, silipin na ang bukas na nagaabang. Sa mga pangarap na kailangan ng matupad, Ipakita sa lahat ang iyong tapang na kaya mong lumipad. Paalam na kahapon, kailagan ng ilipat ang pahina. Ito na ang simula, ito na ang pag bangon. Halika na, at sabay nating yakapin ang NGAYON. #Salamat2017 #BANGON2018













