seen from China
seen from China
seen from United States

seen from Netherlands
seen from Poland
seen from Türkiye
seen from United States

seen from Malaysia
seen from Türkiye
seen from Türkiye
seen from Türkiye

seen from Germany
seen from Germany
seen from Germany
seen from Australia
seen from Malaysia
seen from United States
seen from Netherlands
seen from Australia
seen from China
La Banca Agricola Popolare di Ragusa sostiene la formazione degli studenti universitari siciliani
La formazione dei giovani siciliani è strumento fondamentale per assicurare sviluppo e futuro all’Isola. Per questo la Banca Agricola Popolare di Ragusa ha deciso di intervenire a favore di 56 studenti siciliani, con un finanziamento a tasso zero e senza alcun onere per il beneficiario, per consentire la fruizione dei corsi di specializzazione in lingua…
La Banca Agricola Popolare di Ragusa sostiene la formazione degli studenti universitari siciliani was originally published on ITALREPORT
Congratulations Kuya @wilquetuazon 🎉🎉🎉 Finally!!! After a loooooong run, it’s all worth it. ❤️ We love youuuu Kuya!! #PUPBatch2019 #BAPR (at Philippine International Convention Center) https://www.instagram.com/p/BxOTRl8g6CD2zqeYLeg8-V-vplIHfpvb_MNjeU0/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=1phqoo64mu4ck
Il Consiglio comunale di Modica per gli azionisti Bapr
Il Consiglio comunale di Modica per gli azionisti Bapr was originally published on ITALREPORT
Antonio Oliveri eletto Coordinatore della FABI BAPR
Si è svolto stamattina a Catania il congresso delle Rappresentanze Sindacali Aziendali della FABI Banca Agricola Popolare Di Ragusa. Oltre ai dirigenti sindacali della Banca erano presenti i componenti del Comitato Direttivo Centrale dell’Organizzazione Cetty Di Benedetto, Gaetano Motta e Carmelo Raffa. Anche la BAPR è stata presente attraverso il Consigliere di Amministrazione Paolo Bonaccorso,…
Antonio Oliveri eletto Coordinatore della FABI BAPR was originally published on ITALREPORT
I considered myself very blessed 🙏🏻 and lucky 🍀 for the gift of friendship and family. ❤️ Insert Mean, Zeth and Che. #collegebffs #bapr #advertisingandpublicrelations #twokfour (at Blue Bay Walk)
“Dugo ang kinang ng ginto”
“Oro” Movie Review
Sa direksyon ni Alvin Yapan at pinagbibidahan nina Irma Adlawan, Mercedes Cabral, and Joem Bascom.
Ang oro ay ang sumunod na pinanood ko pagkatapos ng seklusyon. Ito naman ay tungkol sa buhay ng isang simpleng baryo na ang pinanggagalingan lamang ng kanilang pang-araw-araw na panustos ay ang pagmimina, na sa isang araw ay may dumating na tila parang mga bandido na inaakusahan ang kanilang Kapitana na sinisira ang kalikasan dahil sa kanilang pagmimina bilang pagpapanggap ng mga bandidong ito sa kanilang interes sa minahan.
Halo-halong emosyon ang naramdaman ko ngunit mas nangibabaw ang inis, galit at awa sa mga tinatawag na Patrol Kalikasan na bigla na lamang namaril sa mga inosenteng minero. Ang mas nakakainis at lungkot pa ay may kanin pa sa bibig ang isa, hindi pa tapos ngumuya pero binaril na. Mga walang patawad! Nagmistulang mga hayop lang na hinuhuli sa pangangaso!
Ang oro ay base sa totoong pangyayari, kung iisipin mo, nakakatakot itong kaganapang ito. Nangyayari sa totoong buhay pero wala kang kamalay-malay. Nakakakunsensya, nakakainis, at nakakalungkot para sa mga taong nararanasan ito. Kailan kaya mawawala ang mga ganitong mga masasamang pangyayari? Paano kaya maiiwasan ito? Kailan titigil ang gulo?
Kung pagkukumparahin ako kung alin ang mas nagustuhan ko, kung oro ba o seklusyon? Oro ang pipiliin ko. 6/5 stars ang ibibigay kong rating. Makatotohanan, impormatibo, punong-puno ng emosyon na iiwanan ka na lamang nitong walang masabi sa pagtatapos ng pelikula dahil sa halo-halong emosyon na mararamdaman mo, inis, kawalan ng hustisya, tuwa dahil sa magandang pelikulang natunghayan. Magaling rin ang pagpili ng cast, talagang nasa karakter ang bawat aktor sa pelikulang ito, damang-dama at dalang-dala ang linyang ibinabato. Ang lokasyon ng pelikula, mga detalye, ang mga anggulo, lighting, framing, transitions at cinematography rin ang maganda pati ang editing at sounds, partikular sa parte ng pelikula na kung saan huling matatagpuang nag-iinuman sina Elmer dahil pagbababarilin na sila ng mga Patrol Kalikasan, walang background music, walang sound effects, walang slow-mo, walang kung anu-anong idinagdag sa eksena, tuloy-tuloy lang ang eksena, hindi ipinilit ang drama kaya damang-dama, ramdam na ramdam mo ang bawat baril na itinututok at ipinuputok, ramdam na ramdam mo ang sakit sa bawat pagdanak ng dugo, ramdam na ramdam mo ang inis at galit sa mga patrol kalikasan na ito, lahat iyon ay dahil dala ng walang sound effects o kung anuman, sadyang ang makatotohanang walang filter na kaganapan lamang. Sobrang kahanga-hanga!
Isa ko pang nagustuhan sa pelikula ay ang mga eksena kung saan nagmimina at gumagawa sila ng mga alahas na gawa sa ginto. Dahil dito, naitama na ang buong akala kong bloke-bloke ng bato ang mga nakukuhang ginto sa minahan, ito pala’y sobrang liit lamang, mahirap hanapin at halos parang buhangin lang. Atsaka na lamang sila bubuuin at huhulmahin sa kung anong hugis ang nanaisin kapag ito’y pinainit at tinunaw na.
Ang hindi naman ako natuwa sa pelikulang ito ay ang eksenang pagkatay at pagpulutan sa aso. Hindi ko mawari kung totoo nga ba talagang may napahamak at kinatay na aso sa pelikula, dahil ito’y labag sa batas at siguro nama’y alam iyon ng mga gumawa ng pelikulang ito ngunit lubhang mukhang makatotohanan ang pagkatay dito, ang laman loob, ang bituka, hindi nakakatuwa, nakakabahala ang eksenang ito, nawa’y magawan ng aksyon at maimbestigahan ito.
Bakit ganoon? Sa tuwing naririnig o ipinapakita na sa eksena si Chichi at ang kanyang amo na ginampanan ni Sue Prado ay hindi ko mapigilang tumawa. Siguro ay kung tatanungin ako kung may parte ba sa pelikula ang nakakatawa, ang isasagot ko ay ang mga eksena ni Chichi. Nakakatuwa dahil, una, isang shitzu si chichi na bibihira mong makikita sa isa ganoong isla. Pangalawa, ang eksena niya kasama ang mga batang nakikipaglaro sa kanya, nakakatuwa lamang silang panoorin. Pangatlo, ay noong nagpabili ng dog food ang amo ni Chichi sa isa sa mga Patrol Kalikasan, ngunit hindi pa rin nakakabalik hanggang sa nagputukan na at nagkamatayan, hindi pa rin naipapakain si Chichi, kaawa-awang aso. Ang babaw ng aking kaligayahan hindi ba?
“Dugo ang kinang ng ginto” – Oro, 2016 Napakabigat ng salitang ito. Makahulugan. Ito na ang magbubuod sa buong takbo ng istorya sa Oro.
Sa kabilang banda, bilang pagtatapos muli ng aking “movie review” hayaan niyo muli akong basagin ang medyo pormal kong pagsulat, ilang grammatical errors ko na nakasalin na nga sa tagalog at ilabas ang aking tunay na feels towards this movie! KASI BESHY MAS MAGANDA TO SA SEKLUSYON!! KUHANG-KUHA NIYA ANG PUSO KO, ANG FEELS KO, LAHAT NG EMOTION KO NANDITO NA! SOBRANG EMPTY NA LANG NG NARAMDAM KO NOONG ENDING NA KASI NAIBUHOS KO LAHAT LALO ANG GALIT! HUSTISYA MGA BESHYYY! ANO NANG NAGYAYARI SA SISTEMA NATIN.
MORE MOVIES LIKE THIS PLEASEEEEEE! Inirerekomenda ko itong pelikulang ito sa lahat dahil besh, gaya nga ng sabi ko, mararamdaman mo lahat ng feelings at emotions, magagalit ka, maiiyak, maaawa, mato-touch at masasaktan dala ng tension at suspense ng pelikula. At dahil nga ito’y base sa tunay na pangyayari, hindi ko na lang alam, mas malala pa yata ang mararamdaman ko kung ako mismo makakasaksi nang ganitong pangyayari, hindi ko kakayanin.
sukaklaudia