Para sa babaeng ayaw pa tanggapin na wala na.
Kahit gaano pa kalalim ang pagmamahal mo sa kanya, wag mo hayaan na mastuck ka nalang dyan, tulad ng ginagawa mo ngayon, dahil lang takot kang mag-umpisa uli. Naiintindihan ko na ayaw mo bumitaw dahil ang dami mo ng nasayang na oras at panahon, at ang dami mo ng effort at memories sa kanya. Naiintindihan ko na ayaw mong sumuko kasi sa isip mo ang dami mo ng naranasanang kagaguhan para sa kanya, at mahal mo talaga.
Pero tanungin mo sarili mo, yung totoong tanungin mo ah? Hanggang kailan mo kakayanin? Yung mastuck ka sa isang relasyong halata namang ikaw nalang ang nag-eeffort dahil wala na siyang gana sa'yo. Wala na siyang balak sa kinabukasan niyo? Hanggang kailan ka lalaban at kailan mo marerealize na hindi na sapat na mahal mo siya, kung hindi ka na nya mahal pa? Hanggang kailan mo sasabihing masaya ka pa, kahit hindi na? Hanggang kailan mo siya papatawarin sa mga bagay na nagawa niya at patuloy niyang ginagawa, dahil lang mahal mo siya?
Kasi alam mo sa sarili mo, that it is better to be alone that to be with someone who's slowly breaking you, when you're already broken.








