Ang batanes ay hindi lamang Instagramable at Picture Perfect na lugar, isang itong malaking palaruan ng mga umaawit na mga ibon, ng mga sumasayaw na mga halaman, ng mga kahanga-hangang isda’t mga korales, at mapayapang tahanan ng mga katangi-tanging mga tanawin, at ng di matawarang kultura ng mga mabubuting mamamayan. Dahil sa katangiang taglay ng Batanes, ginawaran ito ng pamahalaan bilang isa sa mga Protected Landscape and Seascape sa Pilipinas noong 2001 sa bisa ng RA 8991. Bahagi ng batas na ito ang pagbabantay sa pangisdaan at pangdagat. Protektahan ang mga ibon at mga halaman, mga kultura at mga katutubong kaalaman, gayundin ang mga makasaysayang lugar at kagamitan. Sinisugurado rin ng batas na ito ang patuloy na pamumuhay at pananatili ng mga endemic at endangered species. Pinapangalagaan din ng batas na ito ang kultura, kasaysayan, at ang kabuuhan ng Batanes para sa ikabubuti ng mga mamamayan at ibang nabubuhay dito. Kampay para sa isang napakagandang karanasan! 😍😍😍 #TravelEtiKate #Batanes2019 #BatanessInBatan #BatanessInItbayat https://www.instagram.com/p/B07ojzNnKGr/?igshid=1x9dggmbmpasn
















