walang tulog dahil excited mapanood ng live ang state champs. 11am pa lang nakapila na kami para sa meet and greet kahit na 2:30pm pa naman magsisimula. nagtiis sa init, uhaw at gutom hanggang sa magpabili akong pizza at coffee float. hanggang sa makapasok kami para sa meet and greet. sobrang saya ko dahil dalawang beses ko niyakap si derek ng state champs. tapos tangina ni geron sinabihan ng happy birthday yung mga taga cambridge nung meet and greet kaya yung ibang kasama na ganon na rin sinabi tapos napasabi na ako ng happy new year sa kanila. gusto ko talaga kulayan buhok ko kagaya nung nasa with confidence kaso ayaw ng mga kapatid ko. pagkatapos ng meet and greet naghintay na naman kami hanggang 6:30pm para magsimula na ang show. sinimulan ng cambridge ang show. gusto ko yung energy nila. gusto ko yung kinanta nila yung create. destroy. rebuild. tapos nakakuha rin kami ng pick guitar nila. pagkatapos nun nagset up na with confidence. putangina ang saya ng mga kasama ko tapos yung crowd ang saya rin. halatang inabangan nila pagbalik ng with confidence. gusto ko yung kinanta nila london lights saka archers. pagkatapos nila syempre ano pa nga ba ang susunod kung hindi state champs. 21 songs ang set nila. tapos kinanta nila yung hurry up and wait na dito lang nila sa pinas unang beses tinugtog ng live. saka yung if i'm lucky na hindi acoustic. wala akong masabi dahil sobrang saya ko nung araw na yun. tangina parang last year lang pinagdadasal ko na sana mapanood ko sila tapos nagkatotoo na. ang saya ko lang din dahil nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan o kakilala. ps. sana next year a day to remember/knuckle puck/real friends/mouse blood naman kunin nila.















