Everybody says "think positive" (of course except those who are pessimistic). Yeah nakikita ko nman yung magandang dulot ng positivity e, nakaka GV nga naman. Nung nagstart akong magbago, naging mas okay ako. Hindi na kung ano-ano nasa isip ko, hindi na ko "masyadong paranoid". Sa friendship siguro maganda ang positivity talaga, pero sa ibang bagay hindi ko maiwasan e.
Naisip niyo na ba yung magandang dulot ng negativity?
Kapag negative nasa isip ko, it is somewhat like I'm preparing myself for negative results. Naisip ko kasi, sige positive ka nang positive, e kung negative naman talaga ang kinalabasan? Sakit di 'ba? Parang feeling ko kasi, kasi kapag negative na nasa isip mo, hindi na masyado masakit kapag nabigo ka. Kasi naisip mo na 'yan, napaghandaan mo na 'yan. Well atleast kung mganda pla knalabasan, mas dodoble nman yung saya mo kasi naisip mo negative tas yun pala maganda kalalabasan.
Kailan ba ako nagiging positive thinker?
Hmmmmmm. Nagiging optimistic ako kapag alam kong ginawa ko best ko or kapag alam mo naman na maganda performance mo. Example, sa exam, kung nadalian ako sa exam as in nasagutan ko lahat, bakit ka mag-iisip ng pangit? Baliw ka ba? Hahahahaha. Pero kung nahirapan ka, wala ka nasagutan sa exam, at nag-isip ka ng positive dahil nakakopya ka naman, bakit ka magiisip ng maganda? Mas baliw ka kung gano'n. :D
Sa love? Hmmmm. Kapag nagdday dream ka, do'n ka lang madalas magiging positive. Aminin mo teh! Hahahaha.
By the way, hindi ko kayo iniencourage maging pessimistic ha! Sinasabi ko lang yung dahilan kung ba't negative mag-isip yung ibang tao. E, yung ibang tao siguro may iba ang dahilan. Pero syempre, mas naging masaya ang araw ko nung naging optimistic ako! Smile smile smile!
Salamat sa pagbasa! :))))