October 15, 2024 Hi, sub BGs! 💙💙💙 Hindi na kasi tayo nakapag-synthesis sa usapan natin kahapon dahil late na. Sa susunod umaga pa lang talaga mag-meet na tayo para sulit ang oras. Haha. Anyway, ito ang take ko mula sa lahat ng nagpagkwentuhan natin. Grabe lang 'yong iba't ibang sitwasyon na naranasan natin over the years. May it be magkakasama tayo, but mostly sa individual lives natin. Also, on how God allowed us to experience the same situation over and over again just so makita natin ang halaga natin - bilang tao at bilang anak na mahal Niya. Walang madali sa mga naranasan natin. Heartbreaking siya sa fact na kailangan natin masaktan o may masaktang ibang tao dahil sa life decisions na pinili natin. Lahat naman ng ito ay lesson learned sa atin para sa mga susunod na taon ng buhay natin. Ika nga, "Charge to experience" ang lahat ng ito at wala naman tayong choice kun'di mag-move forward dahil hindi na rin maibabalik ang lahat. I just want to commend both of you (sige sali ko na rin sarili ko), for being such brave and strong women of the Lord. Ang tatapang at lalakas ng loob nating magmahal. Just the fact that we can express ourselves sa isang tao, that's strength because not everyone is brave enough to tell their feelings. Lahat naman ng decision ay may kaakibat na responsibilidad and we have done our part. 'Yong susunod na mga lalaki na dadating sa buhay natin, na pagtutuunan natin ng pansin, na paglalaanan natin ng oras, Harinawa, sila rin 'yong handang magstay at panindigan tayo habangbuhay. On a side note, gusto ko ring makabalik sa estadong maibabalik ko ang pagmamahal na walang pressure, walang hinihinging kapalit, at hindi nagaalala. Naniniwala akong hindi tayo ginawang BG ni Lord para mag-meet lang every camp or once in a while, pero habang tumatanda tayo, ginagawa niya tayong accountable sa buhay ng isa't isa. Beej Richa,______________________________________(Sinabi na rin ni Ate Faye ito sa'yo). Isama mo kami sa mga taong makikinig sa'yo. Ano pa na pinakilala tayo ni Lord sa isa't isa simula bata pa lang, at lumaki sa isang Iglesia na dapat ay nabibigyan Siya ng papuri sa mga relationships na mayroon tayo. Dito ngayon sa chapter ng buhay natin, maranasan natin nawa ang paghilom (healing), pagpapanibago (renewal), at pagiging wiser sa life decisions na gagawin natin - mas lalong mabigyan ng papuri ang Panginoon sa mga bagay na gagawin natin at mga taong mamemeet natin. I-enjoy natin 'tong phase ng buhay natin na ito na kasama si Lord at siya ang pangunahin sa buhay natin. Moving forward with each other and with the Lord. Mahal na mahal ko kayong dalawa, Beej Hannah Phoebe Rodriguez and Beej Richa-Ritz Ramos. Mahigpit na yakap at patuloy ang dalangin ko para sa atin. Shalom! 😘 😘 😘 -Beej S. R. Caballes











