September 3, 2025 J: Kss ok pa ba ako? Sa lahat na nangyayari ngayon parang wala akong maramdaman. Hindi na maganda lagay ni daddy ngayon and anytime pwede na sya mawala pero parang hindi ako nalulungkot parang normal lang. hindi ko alam kung manhid na ba ko. Or at peace ako dahil alam ko after non hindi na sya mahihirapan. Di ko alam kung normal yung ganito. Mawawalan ako ng isang magulang pero parang wala ako maramdaman ngayon. Or magsisink in nalang lahat ng ito kapag nawala na talaga si daddy? R: Hi KSS, una sa lahat, hugs! The fact na naiisip mo kung normal ba ito or hindi ay aware ka. Normal na response yan sa kalagayan niyo ngayon, valid yan. Marahil rin sa ngayon, kailangan mo maging manhid emotionally o matatag para kila tita Girlie, Jash, Kuya Emil at Mara. Yung at peace naman na hindi na makakaranas ng pain si tito ay way of coping natin. and we find it to be true dahil sa faith na meron tayo. Alam kong hindi makaka-comfort yung thought na yan ngayon pero we try, diba. Sa ngayon, gawin mo lang kung ano pa yung makakayanan mong gawin, pag pagod na pagod ka na, ilabas mo lang. Iyak ka lang pag na-feel mo na. Pwede naman yon. mapa-feeling mo delayed man o hindi. J: Sinurrender ko na lahat kay Lord nung tinatakbo namin sya papuntang ER. Alam ko si Lord lang makakaalam kung ano mas makakabuti sa kanya. Kung pagagalingin sya ni Lord alam ko fully healed ang gagawin sa kanya if hindi alam ko yun mas makakabuti sa kanya and i know if kukunin man sya nai-imagine ko na nakaabang si Lord sa kanya na open arms. Yayakapin sya aa lahat ng pain na naranasan niya at sasabihin tapos na lahat. Ang hiling ko lang sa mga nalalabi pa niyang araw sana wala syang pain na maramdaman at makatulog nalang sya and hindi na sya magising kung kukunin man sya ni Lord. Yun lang gusto ko, hindi sya mahirapan. Ang pinaka kailangan ng comfort talaga ngayon si mama. Ang hirap mawalan ng anak ngayon asawa naman. R: Huhu salamat sa pag-share nito, so I think resolved ka na rin talaga no matter what happens and I will be praying for this, too. Grabe hindi ko lubos na maiintindihan at mauunawaan yung mga pinagdaanan at pinagdadaanan mo pa KSS, pero yung strength and faith na meron ka, huhu J: Kss napapatanong nalang din ako minsan kung naging masamang tao ba kami or may naagrabyado ba kami para mangyari to samin pero hindi mo rin talaga malaman talaga kung ano yung plano sayo ni Lord or kung minsan ano yung gusto niyang iparating sayo. R: napapa-"Lord, tama na" nalang ako talaga para sa inyo :( J: Si Lord, pamilya ko at kayo nalang talaga pinaghuhugutan ko ng lakas. Hindi ko na din alam kung pano ko to nakakaya lahat buti hindi pa ko nasisiraan ng bait. -Conversation with KSS Johanne kasagsagan ng hospitalization ni tito Ariel. *Kinabukasan, dumalaw ako sa hospital with Beej Shenah. Nag-biglaang overnight ako sa Heart Center, at doon na rin ako nag-review for boards. Hanggang gabi kami ng kinabukasan andun. *September 10, 2025, tito Ariel passed away. *He died peacefully in his sleep at walang nakakaalam. Tulog si Jashleigh and Hannah habang nagbabantay, ginising lang sila ng nurse para sabihin sa kanilang wala na si tito. *He is now with Gesh and Arielle.














