BEING NICE IS NOT NICE SOMETIMES
Minsan kahit anong bait mo May mga taong hindi padin natutuwa sa ginagawa mo, May mga taong marami pading sinasabing hindi maganda sayo. Minsan nakakapagod ng maging mabait. Nakakapagod ng magpapasok ng mga tao sa buhay mo na paulit-ulit ka lang ding namang sasaktan. Nakakapagod kumilala ng mga bagong kaibigan kasi hindi mo alam sino ang totoo, at sino ang ginagamit ka lang, Hindi ka naman humihingi ng kapalit tanging pag-mahahal lang pero ang binibigay sayo pabalik ay sakit. Laging sa una lang masaya pero kapag tumagal nagkakalimutan na, nagiging mag-kaaway na.. Dyan yung sa umpisa "Forever tayong magkakaibigan walang iwanan solid!" pero kapag tumagal na parinigan na ang iyong makukuha. Naisip ko, Paano kapag hindi mabait ang isang katulad ko? Yung walang pakielam, Walang kaibigan, Walang minamahal.. Paano kaya? Siguro ang tahimik ng buhay tanging sarili mo lang iniisip mo, sarili mo lang ang mahal mo at sarili mo lang din ang kaaway mo. Minsan nakakakapagod na talaga maging mabait, dahil kahit hindi ka humihingi ng kapalit, Abuso naman ang kapalit.














