Bravo unang una maraming salamat sa pagtanggap sakin, bilang platoon leader niyo na nagturo at gumabay sa inyo sa loob ng 35 hours ng CAT. Hindi man ako yung the best magturo ng pasulong, patakda, pihit and everything, ang bipolar ko man minsan sa pagtuturo na tipong first 30 minutes ang seryoso tapos parang galit ako tapos biglang tawa ako ng tawa for the rest of the time, ang gulo ko man magturo minsan pero salamat kasi nagegets niyo, naiintimidate man ako minsan ewan ko kung minsan halata pero oo naiintimidate ako, nahihiya ganon. Madalas man akong late tapos bravo yung huling nafoform kasi nag-aayos pa ko, joke nagpapaayos pa ko, kasi ang hirap talagang mag-rubber tuck at combat mag-isa. Minsan oo naiirita ako kasi parang ang gulo gulo niyo di ko alam kung smiling faces lang talaga kayo sadya o ano, pero okay lang yan di ko rin naman maiwasang tumawa kapag mukha niyo na yung nasa harap ko. Mamimiss ko yung binigyan ko kayo ng tigfififty squat thrusts kasi nakakairita talaga kayo nung time na yun, yung mga nagdadala ng tissue diyan tsaka 1/4 na papel para sulatan. Mamimiss ko yung pag nagcocommand ako sa inyo nababangga niyo na yung mga kotse tsaka yung ibang platoon tas tatawanan ko muna kayo bago mag 'pabalik na'. Yung ang ligalig ko pagdating sa inyo. Feeling ko nga naririndi yung iba minsan pero bahala kayo dyan haha. Ewan ko kasi parang sa inyo kasi mas nabuo yung experience ko sa CAT eh, aaminin ko sobrang possessive ko sa inyo seryoso. Yung tipong pag nagmimeeting sa hq, sobrang pinagmamalaki ko kayo kahit minsan nakakairita kayo. Yung kahit bravo na lang yung hindi pa nakakapagform ayaw kong ipaform sa iba gusto ko ako lang. Yung pag may ibang officer na lalapit (i.e., si chris tsaka minsan nga si ma'am corps pa) tinataboy ko, jk haha pinapaalis ko na lang agad, masyadong harsh haha. Kasi e... basta kayo yung bumuo sa pagiging officer ko. Pag bad trip ako sa araw na yun tas pagdating ng CAT time sorry na pag sa inyo ko nalalabas yung galit ko, pero the other side: bad trip ako sa araw na yun "Buti na lang may Bravo" na maghahatid sakin ng good vibes. Hindi man ako yung sobrang ideal na officer pero ako yung sobrang nagmahal sa inyo (wews), eto pa, sobrang proud ako sa inyo. Yung as in kapag nagtatawanan tayo, proud at thankful ako kasi yung platoon ko sabog tapos bangag, napapakita natin sa iba yung bond. Yung pumili ako ng ilalaban sa best cadet tapos sinabi ko talaga sa kanila basta kahit sino na sa inyo, importante galing sa bravo. Dami kong pinaglalaban e, so ayun yung best cadette ng batch galing satin (ohyess so surreal), yung nagpa-mini olympics tas nanalo yung bravo sa tug of war (thank you naman sa strong na mga lalaki na yun yisss) sobrang saya ko nun, nakita niyo ba yung reaction ko? Grabe haha sana di niyo na nakita mukang ewan tuwang tuwa lang haha. Tas yung moro moro din yieee haha. Basta sobrang salamat talaga kasi di niyo man ako maappreciate gaya ng ginagawa ko sa inyo, nahanap ko kasi yung isang part ng sarili ko sa inyo, di ko nga akalaing magiging leader ako sa inyo. Bawat isa sa inyo may significant moment or should I call it memory, as in may masasabi ako sa bawat isa sa inyo pero hindi ko na ilalagay dito kasi ang haba na oh ^^^. Sorry talaga ganito kasi talaga ako magmessage :( huhu. Yung tinatawag ko isa isa yung pangalan niyo dun sa stage wala lang ang surreal ng feeling. Tapos yung nag pasa masid na, yung huling lansag ko sa inyo bilang isang platoon, lalo naman yun </3 Haha. So dito ko na lang talaga linagay lahat kasi di talaga ako nag-message kahapon kasi baka umiyak pa ko tas mapatagal ganon mainip yung iba haha. And ayan yung message ko nakakamindblown man pero sana nagbabasa pa din kayo hanggang dito. Ayun wag niyong kalimutan lahat ng natutunan niyo sa CAT, maglinis sa kapaligiran ha. Wag magtapon ng kalat kung saan saan, mumultuhin ko kayo lol. Sige salamat talaga sa lahat ng experience, moments, memories. Mahal ko talaga kayo. :)