MS PAINT WONDERS
My good bestfriend Anggetay once again gifted me with a countdown with these gorgeous artworks made from, take note, ms pain ha. Cute! Ang galing. I can't use ms paint that well ah. Thank you beshycakes. Lol.
I'm not sure eh pero pinapakita mo ba rito na kamukha ko nga yung apo ni cory aquino? Okay, fine. Aminado naman ako na kamukha ko na yun KAPAG suot ko yung isang salamin ko. On the other hand kailangan ko na pumayat since i am blowing out of proportions na. Yay.
Naks naman, alam mong mahilig ako sa elephant na nakababa ang ilong. Yep. Nakababa ang ilong. Dapat talaga nakababa ang ilong. Hindi ko alam yung meaning ng rabbit :(
Bwahahah sa ating Philippine Airlines- Tupperware rivalry. Sayang wala na akong yearly new year gift ko sayo na kalendaryo, natanggal kasi eh.
At ewan ko sayo! Natatandaan mo pa pala yang istorya nyang baked mac na yan sa tupperware. So those roses correspond to rosas ba? Naks, mukhang tulips.
I'm so outraged with this one! Grabee lang! Di ko kamukha si cleveland! Buti na lang wala akong green pants and white polo to look like peter griffin. Grabe ka lang gretch! Haha.
p.s. I don't have a mustache... that's why i was in outrage.
Aww, I miss our Raspberry ice cream! ; Our (just 80 pesos) isaw @ mang larry's na every week (or every other week) may hermano kung sino sa ating dalawa. Those were the times na pareho pa tayong mayaman. Haha; Starbucks- moonleaf, shet ang yaman naten!; and our random pizza craving! Hahhaa.
At siempre ang spin the bottle na nag-umpisa ng lahat! Hahaha. Damn that spin the bottle and my curiosity to the reason of your breakup with steve. Thanks teban. Yun talaga yun eh. Kaya tayo naging close dahil gusto ko lang mausisa bakit kayo nagbreak! Haha. Ngayon, spin the FO threat na lang yata. Haha
Naks naman! Ang nice nito. I'm happy naman at tanggap mo itong 'vice' ko. Haha. At ang nice ng church ha. Alam mo naman sigurong Barasoain church yan. At naks naman pahiyas. Though hindi ako sure kung ano yung drinawing mo, kung mama mary ba o santa o pang mahal na araw. Wala akong ganyan sa bahay ah. Haha, just wondering lang naman.
Hahaha! PANALO ang I'm a starbucks logo. Salamat at dahil sayo nagkaroon ako ng 3 stix. Hehe. :-) At salamat at hindi mo kinuha ang purse na kasama nung planner. Sana makapagdrawing ka sa planner ko. :p
Thank you for bringing me cake sa birthday ko (esp last year. Kakaiyak) dahil alam mong ako ang tagapagdala ng cake sa bahay namin at kapag birthday ko, walang nagdadala ng cake para sa akin dahil ako nga ang tagapagdala ng cake sa bahay. Thanks Steve for the sansrival! Yan, nakalibre tuloy si Angge ng pangcake.
Thank you betchyieyo at friends pa rin tayo kahit naagaw lang kita mula sa mga original bestfriends mo, BWAHAHAHA! I'm so mean. Sa akin ka pa talaga nagstay eh ang sama kong tao. Well, magkasing sama lang siguro tayo kaya tayo click. Anyway, sana yumaman na tayo both. Haha. Salamat. Ayoko na magtype pa baka maluha lang ako sa kadramahan ko. (which will you not believe din naman, na maluha ako)
(thank god walang human centipede-jimboy entry ngayong taon. Salamat sa whitening soap na binigay mo, sana pumuti ako. sana nagbigay ka na rin ng xenical para pumayat. Ang daming requests?)
p.s. I really fine you ms paint wonders adorable! Yihie! 1-meter-apart hug naman dyan!









