Okay. June 4. Ano bang meron nun? Ahh oo, wedding anniversary ng mga magulang ko. Happy 20th anniversary Mama and Papa!!! Hahaha. Ayun lang naman meron sa June 4 diba? Okay sige. Bye na pooooo.
Hahaha joke. De sa pagkakaalam ko meron pa eh. Kaso ano eh hindi ko na matandaan kung ano yun. Arghhh.
Hahaha joke ulit. Omg ang cocorny ng mga jokes mo Biancaaaa! Hahaha ugh. Seryoso na sige. Hehehe
Jessica San Jose Repollo,
*insert MMK’s background music here para feel na feel ang pagbasa. hahaha jk*
Kailan ba tayo nagkafollowan? Kailan ba tayo nagkakilala? Kailan ba tayo nagkausap? Kailan ba tayo naging close? At kailan tayo naging magkaibigan? Hayaan na kung kailan man yun pero sabyang saya ko kasi nangyari yung mga yun. Hindi ko inaakalang magiging magkaibigan tayo. Alam mo ba Jecka KO, hindi man tayo lagi nagkakausap pero isa ka sa mga true and trusted friends ko dito. Ang saya at swerte ko dahil nakilala kita at naging kaibigan pa. Kaya sana, friends tayo hanggang sa pagtanda okay?
Sorry talaga kung hindi na tayo lagi nagkakausap. Kasalanan ko talaga. Haaay. Hayaan mo kauwi ko galing kila Lola, bale baka bukas, usap tayo sa viber ha? Kwentuhan tayo kasi diba sabi mo madami kang chikka? Haha. Babawi ako sayo nun. Basta usap tayo bago magpasukan ha. Tapos sorry kung may mga nagawa ako sayo na hindi mo nagustuhan. Hindi ko alam kung meron pero kung meron man sabihin mo sakin ha? Ipaalam mo sakin para hindi ko na gagawin ulit. Okay? Mwa
Thank you Jekca KO sa lahat lahat. Sa pagshare mo sakin ng mga problema at kwento mo sa buhay, sa pagtitiwala, sa pagkakaibigan, sa pagmamahal na pinapadama mo sakin palagi, sa pagaalala. Basta sa lahat lahat. Napakaswerte talaga namin mga kaibiga mo. Ang swerte namin kasi may kaibigan kaming katulad mo.
Okay baka makalimutan kong bumati. Hahaha. Jecka KO, happy happy birthday! Wish you all the best. Yung mga wish mo sana matupad. Sana maenjoy mo yung birthday mo. Mas matanda ka na sakin ngayon, kaya ate Jecka KO itatawag ko sayo! Hahaha. Joke. Please Jecka KO, maging happy ka ngayong birthday mo ha at sa buong buhay mo okay? Alam kong may mga araw na malulungkot ka, pero wag mo sanang kalimutan na andito kaming mga kaibigan mo na magpapasaya sayo.
Sana Jecka KO, magkita tayo. Huhuhu. Hayaan mo pag marunong na ko lumwas pa-Manila, kita tayo ha? Hehe. Ayun wala na ko masabi. Basta usap tayo ha? Mwamwa. Sorry kasi walang panaman sa iba tong bati ko. Hehe. Pero lahat ng yan ay galing sa puso ko. Ayiiee. Hahaha. Osige na.
HAPPY 19th BIRTHDAY TO YOU JESSICA SAN JOSE REPOLLO. I LOVE YOU SO MUCH :)