5 Masturdating Tips
Before anything else let’s define MASTURDATE (Buti pa yung word kayang i-define, tayo kaya? Char!)
Masturdate
(verb.)
Going out alone
Doing things alone that we usually do as a couple.
So, this happened last year pa (December 26, 2015) I don’t know what got into to me at naisipan kong mag Star City mag-isa. Ohh yeah I remember I was literally felt empty that time. Hindi ako malungkot hindi din masaya as in walang emotion. So I decided to go somewhere na ma fe-feel ko naman na tao ako, kala ko kasi bato na ko.
Anyways here are some tips kung pano mo ma-e-enjoy ang mag masturdate mag-isa. lol. Alangan namang dalalawa Masturdate nga eh.
1. Dapat ready si budget, di naman pwedeng umalis kang walang pera? lalo ka na, yes ikaw! Diba kasi pala-asa ka?
Asa sa boyfriend para malibre.
Asa sa classmate sa sagot sa exams.
Asa sa thesismate para makapasa.
Minsan try mo din maging independent try mo din ikaw yung aasahan. Masarap! lasang matcha bes.
2. I set mo kong san mo talaga gustong pumunta, hindi yung mapabago bago ka ng isip, punyemas ka sasabihin mong okay tayo di pala, sasabihin mong may chance puta wala pala. Matuto kang mapirmi sa isang lugar at makuntento kung anong meron. Balik tayo sa pupuntahan yun nga, dapat naka plan talaga san ka pupunta. Kung gusto mong magsaya, punta ka Star City or Enchanted Kingdom ganern. Kung gusto mong solemn at peaceful punta ka Baguio or Sagada or sa Sea side malansa lang talaga pero SOLEMN AT PEACEFUL yun ang mahalaga. It’s not about the destination it is about the adventure. Ohh! kabog ang quotation.
3. Di naman por que sinabing MASTURDATE eh magpapaka alone ka na ng literal, try mo din namang makipag communicate or makipag kaibigan if there’s a chance! At least nakapag walwal ka na nagka friend ka pa!
4. Try mong lumandi din sa mga cute pag may time (this is only applicable sa mga single, yung mga taken punyeta mapirmi kayo.)
Ganito:
Mag tanong ka directions kahit alam mo naman kung saan mo hahanapin.
“Kuya san po ang CR?” sabay kagat sa maduming index finger.
5. Mag self-reflect ka, mag muni muni, pag mag-isa ka duon ka kasi makakapag iisip-isip ng mga bagay bagay.
At the end of the day, marami kang matutunang sa sarili mo, if first time mong mag masturdate, malalaman mo palang kaya mong mag isa. Na di mo kailangan ng tao to be happy or to go out. You are enough.











