Tagapagligtas
Salamat Hesus sa dakila Mong gawa Sa mundo ng tao, Ikaw ay bumaba Kaming nilalang na suwail sa Iyo Minahal at tinubos ng Iyong dugo
Kahit kami ay hindi karapat-dapat Sa pangako Mo ay nanatiling tapat ‘Di kami iniwan; ni pinabayaan Niligtas kami mula sa kadiliman
Anong maisusukli? Wala nga, wala! Anong magagawa pusong nagkasala? Ngunit nang dahil sa pag-ibig mong wagas Kusang inako ang hagupit at hampas
Mga sugat Mo’y sa ami’y nagpagaling Upang kami ay sa langit makarating Kamatayan mo ang simula ng Buhay Walang hanggang pag-ibig ang Iyong alay
Papahirin mo ang aming mga luha Bibigyan ng ginhawa ang mga dukha Pagagalingin bulag, bingi, at pipi Pagtatagumpayin ang mga inapi
Taglay Mo, aming Dios, ang pag-asang tanglaw Pusong pinatawad, ‘di na maliligaw Kami’y naghihintay sa ‘Yong pagbabalik Sa paghahari Mo’y kami’y nananabik
Iyo nang ganapin ang kalooban Mo Baguhin ang langit pati na ang mundo Dahil kami ay Iyo nang pinalaya Sa ngalan Mo lang mananampalataya



















