#booop #GatilyoPart1 Itong mga ipopost ko na aking mga ginuhit ay ang pagbatikos ko sa pamahalaan at upang iensayo ang pagiging alagad ng malaya at mapagpalayang pamamahayag gamit ang sining at ang mga liriko ni BLKD sa album nyang Gatilyo. Ginawa ko to dahil ramdam ko na itong mga awit sa album na ito ang tunay na representasyon ng mga problema ng Pilipinas. Hindi ako botante dahil naniniwala akong isa itong malaking kasinungalingan, ngunit kung susuporta man ako sa isang kandidato eh kay Duterte yun, dahil sa mga kwento ng nanay ko tungkol sa Dabaw at mga kaibigan nyang negosyanteng taga Dabaw o may negosyo sa Dabaw. Ramdam ko na Tunay syang kawani ng kaayusan. #BLKD #BLKDxUMPH #Gatilyo #Guhit #Sining #Art #Drawing Gatilyo lyrics: [Verse 1] Luwal sa panahon ng nakapaniping kalayaan Nakakahon sa makasariling kabanalan Bulag sa paghahari-harian Tamad manindigan, tamad mangatwiran Tayo ang henerasyong nilululong sa luho Isip ay pilit kinukulong sa turo Ng kulturang kanya-kanya Upang mabusog sa pag-unlad na barya-barya Tayo ay inaaliw upang maging abala At nang huwag mag-alala sa pagsasamantala Hanggang malasakit ay masaid Tayo’y minamanhid sa sakit ng ating mga kapatid Lunod na lunod sa mga tsismis at balitang Luhod na luhod sa iilang pinapanigan Lugod na lugod silang nagbabait-baitan Pagka’t maledukado, maledukado tayo [Verse 2] Pagmasdan ang bayan, kayamanan ang nasasakupan Nasaan ang katarungan? Panay sakahan, may kagutuman? Sa lawak ng lupa ba’t may mga walang matirhan? Kahit magtyaga, walang mapala, natanikala na sa hirap na ‘di maibsan Hungkag ang pag-unlad na sa sambayanan ay humahati At pag dahilan ng pag-angat ng iilan ay pagtapak sa nakararami Pagka’t sa daing ay dahas ang cariño Pagmulat ay pagkasa, tayo ang Gatilyo Andito mga kanta/lyrics nya- https://imblkd.wordpress.com/author/imblkd/ Spotify- https://open.spotify.com/album/1idGwSpRiJReVEIGrjcW7l Props kay @volume015 na nag parinig sakin ng album na to













