UNANG BOTO PARA SA PILIPINAS. Go out and protect your God-forsaken right to vote. Nagising na ng 12 AM at hindi na nakatulog kaya’t pumunta na ng precinct at 7 AM at natapos ng 9 AM. Kahit pala sa huling segundo, napapabago ang ‘yong isip sa mga kung sino ang dapat ihalal para maluklok sa pwesto. Dasurbt ba nila yorn? Pero, meron at meron kang mga kandidatong sigurado kang pasok na pasok na at inuuna mo pa. Sa unang pagkakataon, ako ay bumoto para sa ating bansa dahil may “GUMISING SA AKING NATITIRANG LAKAS” sapagkat kailangan na natin ng tunay na pagbabago sa luma at bulok ng sistema. Panahon na para ibahin at baguhin ang mga nakasanayang mali; tuligsain ang korapsyon at pagpapahirap sa mga Pilipino. Takot na takot ako na may halong kaunting kaba dahil ayaw na magkamali para hindi madungisan ang balota ng marker; mapunit ito o malukot ang papel para masiguradong ang aking boto ay masama sa bilang. Nahirapan ng kaunti sa paghahanap ng kwarto kung saan boboto pero madali namang nakita ang pangalan sa listahan. Hindi kumuha ng mga sample ballots na ipinamimigay at nanigaw ng mga taong nagpupumilit mag-abot nito, “Hindi na pwede yan, diba? Tapos na ang kampanya ah?” CHZ. Sa pagkakaalam ko dapat wala ng ganorn kasi sa ibang mga lugar sa pagtanong ko sa aking mga kaibigan ay wala namang ganun pero talamak ito sa paligid ng SANTOLAN ELEMENTARY SCHOOL dito sa Pasig. Alam kong, “HINDI LAHAT NATUTULOG HABANG SINUSULAT ANG KASAYSAYAN” kaya’t maging mapagmasid at wag magpapaloko sa mga posibleng dayaang pwedeng mangyayari at nangyayari na tulad ng sirang mga PCOS machines kung saan pinapaboto ka na at ang mga watchers ang magpapasok ng iyong balota nang hindi mo nakikita, dito na nagsisimula ang pandaraya at narinig ko ito sa maraming lugar ngayong araw. Hindi pa tapos ang laban kaya’t sa mga rehistrado, inaanyayahan ko na po kayong bumoto ng tama dahil “ANG NAGMAMAHAL, IPINAGLALABAN ANG MINAMAHAL.” May limang oras pa po tayong natitira, wag po tayong maging kampante at “IPANALO NA NATIN ‘TO, PILIPINAS!” 🥹🤍 #Halalan2022 #Elections2022 #FirstTimeVoter #ProudPilipino #BotoPilipinas #LabanPilipinas (at Santolan Elementary School) https://www.instagram.com/p/CdU8Ln0JjPaECWFC8edCDCxH6mmgoaMoDMG2jc0/?igshid=NGJjMDIxMWI=










