Christopher de Leon a.k.a Elias
Tatlong pangyayari sa eksenang ito ang labis na nagpadurog ng puso ko habang pinapanood siya. Hagulgol ako sobra! 😭
1. Yung paglapit ng ulo ni Elias kay Mira nung sabihin niya, "huwag mo akong iwan". Iyak talaga ako eh!
2. Yung kamay nila na nakakapit sa kamay ni Elias kung saan siya sinaksak. Ang sakit!
3. Yung titigan nila Elias at Mira kung saan nagpapaalam na ng tuluyan si Elias sa kanya. Waaahhh! Diyan yung hagulgol ko may sound na. As in, grabe yung iyak ko.
Sabi ko huwag ko na panoorin ang episode na yan para iwas din sa lungkot. Di ko natiis kasi mabibitin ako sa pagsubaybay. Kaya sobrang durog na durog ang puso ko habang pinapanood ang teleserye na yan. Ang gagaling nilang lahat. As in, madadala nila ang emotions ng mga viewers. Kagaya ko! 🥺 Worth it panoorin! Promise!
#HuwagKangMangamba #HKM #ChristopherDeLeon #CDL #BoyetDeLeon














